ISANG ordinansa na ipinasa sa Sangguniang Panglungsod na magkakaloob ng cash incentives sa mga Grade 12 achievers.
“An ordinance giving cash incentives to our grade honor students who are graduating starting next year and ‘yung mga susunod pa na taon ay tuloy-tuloy na po ito sa public schools po ng lungsod ng San Juan, ayon kay Konsehal Kit Peralta.
Naipasa sa third at final reading at nilagdaan na ni Mayor Francis Zamora ang ordinansa, at sa Marso 2020 ay makatatanggap ang Grade 12 graduating students na may highest honors ng P10,000. Habang ang nakakamit ng high honors ay makatatanggap ng P7,000 ang with honors ay P5,000.
Kasama na ang nasabing halaga sa budget sa susunod na taon.
Layunin nitong mahikayat ang mga mag-aaral na lalo pang pagbutihin ang kanilang pag-aaral. ELMA MORALES
Comments are closed.