IBABALIK ng pamunuan ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang mga cash lane sa kanilang expressway.
Ayon kay MPTC Chief Communication Officer Romulo Quimbo, ito’y sa harap ng aberyang idinulot ng pagpapatupad ng cashless payments sa pamamagitan ng radio-frequency identification (RFID).
Aniya, napag-alaman nila na ito rin ang gusto ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) — ang gawing dalawa ang opsiyon sa pagbabayad para makaraan sa expressways.
Nauna rito, sinuspinde ng pamahalaang lokal ng Valenzuela ang business permit ng North Luzon Expressway (NLEX), dahilan para magkaroon ng toll holiday sa ilang toll gates sa lungsod.
Pero habang umiiral ang toll holiday, na-charge pa rin ng toll fee ang ilang motoristang dumaan sa NLEX.
Sa huli, iginiit ng MPTC na kanilang ibabalik ang mga nakaltas o na-charge na pera ng mga motorista. DWIZ 882
Comments are closed.