(‘Casualty’ sa kabi-kabilang pamamaril) POLICE DIRECTOR NG NEGROS ORIENTAL SINIBAK

pinagbabaril

DAHIL sa hindi mapigil na pamamaril o patayan, sinibak sa puwesto ang provincial police director ng Neg­ros Oriental.

Kinumpirma ito ni Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), ang pagkakatanggal ni Col. Raul Tacaca.

Magsasagawa aniya ng imbestigasyon sa posibleng kapabayaan ni Tacaca para mabigyang linaw ang mga insidente ng patayan sa probinsya sa mga nakalipas na araw.

Dahil dito, itinalaga si PNP-Region 7 Director Brig. Gen. Debold Sinas bilang officer-in-charge para sa Negros Oriental Police Provincial Office.

Tiniyak naman ni Banac sa publiko na kontrolado ang sitwasyon sa probinsya para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Dagdag pa nito, naka-full alert status pa rin ang kanilang yunit upang mapilan ang masasamang elemento na mag­hasik ng kaguluhan sa lugar. EUNICE C.

Comments are closed.