CATRIONA GRAY ‘DI BAGAY MAGING DARNA DAHIL INGLISERA

SA KABILA ng kaliwa’t kanang poll para sa pagpili ng Darna role na nilayasan ni Liza Soberano dahil sa simpleng injury nito sa kanyang daliri, naglitawan ngayon ang mga pangalan na gusto ng taumbayan para maging Darna.  Kani-kaniyang manok ang rekomendado ng fans para sa role na ito. Maging si Angel Locsin na nagsabing ayaw na niyang mag-Darna, pero kinukulit pa rin dahil  magaling daw umarte at mag-stunt. Plus factor pa raw ni Angel ang magandang katawan at fit na fit sa kanya ang darna costume dahil sexy nga.

Ang daming lumitaw na pangalan para mag-Darna. Nariyan at nabanggit ang mga pangalan nina Kathryn Bernardo, Anne Curtis, Loisa Andallo, Bela Padilla, Arsi Munoz, et al. At take note,  maging ang pangalan ng nananahimik na lovely daughter ni Aga Muhlach na si Atasha Muhlach ay gusto rin daw mag-Darna?

Subalit tumutol agad si Aga at sinabi nitong unahin na lamang ang pag-aaral nito.

Pinakahuling lumabas ang pangalan para pumapel ng Darna ay si Maine Mendoza. Perfect daw ito sa role ni Darna dahil sa kutis niyang morena at very Pinay ang beauty, idagdag pa ang pagiging matangkad  at magandang katawan nito kung kaya masasabing perpekto na nga raw para mag-darna si Maine. Pero sagot naman ni Maine hinggil sa isyu, malabo raw mangyari iyon dahil iba ang management niya.

Bakit sina Jennilyn Mercado at Dingdong Dantes, kahit taga-GMA eh nagka-project rin sa ABS-CBN?  Pinakahuli nga si Alden Richards na gu­magawa ngayon ng pelikula katambal si Kathtryn Bernardo.

Dahilan lang ni Maine na ‘di siya puwedeng gumawa ng anumang proyekto sa ABS-CBN dahil baka matsismis na sinusundan niya ang pilit na inili-link sa kanyang si Arjo Atayde.

Ngayon, ang dalawang Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray naman ang pinagsasabong ng marami para pumapel ng Darna. Definitely the two beauties are very much qualified para sa role na Darna. Kaya lang may ilang nag-comment kay Catriona, perfect nga raw itong mag-Darna kaya lang Inglisera!

Wala raw Darnang Ing­les ng Ingles!

Pero nagpahayag din si Pia na kung siya ang mapipiling mag-Darna, tatanggapin niya. “It’s an honor na maging Darna? Sana nga!”

At least, hindi Inglisera si Pia! O, ‘di ba?

ANGEL, DANIEL AT WILSON NO SHOW SA ROTARY WHEEL AWARD

MASASABING successful din ang nakalipas na pagbibigay parangal noong April 26, 2019 ng The Rotary Wheel Awards For Public Service na ginanap na Marble Hall ng Ayuntamiento Bldg., Bureau of Treasury, Intramuros, Manila. Ang nasabing award-giving body ay mula sa pakikipagtulungan ng Aliw Awards Foundation, Inc (AAFI), The Filipino Academy of Movie Arts & Sci-ences (FAMAS), and Soroptimist, International, Las Piñas Central.

Exactly 7:00 P.M nagsimula ang parangal. Kumpleto ang lahat ng performers tulad nina Merjohn Lagaya, Jade Riccio, Reuben Laurente, Carla Guevarra-Lafortesa, Ronnie Diao, David Ezra,Tosca Puno at ang Aliw Entertainer of the Year (2016) na si Gerphil Flores. Almost 30 celebrity awardees ang binigyan ng parangal. Inasahang dadalo sa okasyon na sina Boy Abunda, Dingdong Dan-tes, Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte, Mayor Lani Mercado, Liza Macuja-Elizalde, at maging sina Angel Locsin, Daniel Razon at Wilson Tieng, na dapat sana’y sila ang tatanggap ng trophy para sa namayapang si Ate Emy Abuan (former presi-dent ng Movie Writers Welfare Foundation) but no show sa event.

Sa halip, si Gov.ER Ejercito ng Laguna ang tumanggap ng trophy.

The categories are: Broadcasting, Entertainment, Environment, Education, Community Service, Medicine, Journalism, Public Service Entepreneurship, Human Resources, Sports, Road Safety, Television and Radio.

Kahit hindi nakara­ting ang guest speaker na si Sen. Cynthia Villar, maganda at inspiring naman ang mensahe ng kanyang rep-resentative, ang lovely daughter nitong si Camille Villar. Proceeds from the fund-raising will go to the socio-civic projects of RCMFS, AAFI, FAMAS, and Soroptimist International, Las Piñas Central, starting with assistance to the Mangyans of Mindoro next month.

Congratulations to the awardees!

Comments are closed.