CAVITEX-C5 LINK MAY TOLL FEE NA

CAVITEX-C5 LINK

SISIMULAN  na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang paniningil ng toll fee sa Cavitex-C5 Link Expressway simula  ngayon, Oktubre 24.

Ayon sa TRB, magiging provisional lamang ang pani­ningil sa nasabing kalsada dahil ipatutupad ito sa unang 2.2km o sa unang bahagi lamang ng naturang expressway.

Epektibo na ang P22.00 provisional toll fee para sa mga class 1 vehicles o maliliit na sasakyan kagaya ng taxi, van o SUV; P44.00 para sa mga class 2 vehicles o mini van at mini bus; at P66.00 para sa class 3 vehicles o ‘yung mga malalaking truck at trailer trucks.

Gayunman, sinabi naman ng TRB na sa oras na makumpleto ang buong expressway ay maglalabas na sila ng final toll rate.        DWIZ882

CALAX BUBUKSAN NA

BUBUKSAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  sa publiko ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) sa darating na Oktubre  30 upang maging alternate route ng mga motorista sa darating na Semana Santa.

Ayon sa pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang CALAX ay magmumula sa Cavite, dadaan sa Mamplasan Barrier papuntang  Laguna Technopark Interchange, direktang patungong Laguna Boulevard Interchange hanggang Santa Rosa-Tagaytay Inter-change.

Ayon sa impormasyon, ang proyektong ito ay nasa 90%  nang kumpleto, at ang natitirang  10% ay ang bahagi ng expressway na kasaluku­yang round the clock ang operasyon upang makaabot sa Undas.

Tinatayang nasa 10,000 motorista ang inaasahan na dadaan dito partikular na ang mga patungong Batangas, Laguna at karatig na mga  bayan upang samantalahin ang mahabang bakasyon sa Undas.

Kapag binuksan ang CALAX sa motorista  ay mababawasan ang  travel time  na mula isa hanggang dalawang oras   at ito ay aabot na lamang sa 45  minutes drive mula Cavite papuntang Batangas via Mamplasan, Sta Rosa, Tagaytay road.

Ang CALAX  ay dinisen­yo ng apat na  lane,  at ito ay mayroong toll expressway na  magko-connect sa CAVITEx sa Kawit  papunatang South Luzon Expressway [SLEX] at Mamplasan Interchange sa Biñan, Laguna.

Ang CALAX ay mayroon walong interchanges locations, ito ay kinabibilangan ng Kawit, Imus Open Canal, Governor’s Drive, Aguinaldo Highway, Silang, Sta. Rosa-Tagaytay, Laguna Blvd., Technopark, at ang Toll Barrier bago mag SLEX.

Ito ay may  bagong technologically advance features katulad ng automatic license plate recognition system, speed detection cameras strategically installed, at mayroon din high definition CCTV cameras na kuha ang buong kahabaan ng  expressway.FROILAN MORALLOS

Comments are closed.