CAVS BINOMBA ANG CELTICS SA GAME 4

NAGPASABOG si LeBron James ng 44 points sa 17-of-28 shooting upang pangunahan ang Cleveland Cavaliers sa 111-102 panalo laban sa bumibisitang Boston Celtics noong Lunes ng gabi sa Quicken Loans Arena at maipatas ang  Eastern Conference finals sa 2-2.

Umiskor si Kyle Korver ng 14 points (pawang sa first half) para sa fourth-seeded Cavaliers. Tumipa si Tristan Thompson ng 13 points at 12 rebounds, gumawa si George Hill ng 13 points at nag-ambag si Kevin Love ng 9 points at 11 rebounds.

Nagbuhos naman si Jaylen Brown ng 25 points at nagdagdag si Jayson Tatum ng 17 para sa second-seeded Celtics, na bumagsak sa 1-6 sa road ngayong  postseason. Kumabig si Terry Rozier ng 16 points at 11 assists, nakakolekta si Al Horford ng 15 points at umiskor si Marcus Morris ng 10.

Nakatakda ang Game 5 sa Miyerkoles sa Boston at naghahanda na si James para sa kanilang susunod na laro.

“It’s a hostile environment, we understand that,” wika ni James sa postgame television interview sa ESPN. “There is no love in there. If you don’t have on green, if you don’t play for that team, if you don’t bleed green, they’ve got no love for you.

“So we’ve got to come out with a bunker mentality and understand it’s just us. It’s going to be a great atmosphere.”

Bumuslo ang Cleveland ng 50.6 percent mula sa field at may 47-37 rebounding edge. Nagpasok naman ang Boston ng 41.2 percent mula sa floor.

Isang basket ni Hill ang nagbigay sa Cavaliers ng 96-81 kalamangan, may  9:53 ang nalalabi sa laro, bago ito natapyas ng Celtics sa pamamagitan ng walong sunod na puntos.

Sumagot sina Love at James ng back-to-back baskets upang palobohin ang bentahe ng Cleveland sa 100-89.

Muling nakalapit ang Boston sa pitong puntos matapos ang bucket ni Marcus Smart, may 4:29 ang nalalabi, subalit umiskor sina Thompson at James ng magkasunod na baskets upang muling bigyan ang Cavaliers ng 11 puntos na kalamangan. Sinundan ito ni Hill ng isang 12-foot ­floater upang bigyan ang Cleveland ng 106-93 bentahe sa huling 2:36.

Naisalpak ni James ang isang 3-pointer, may 1:43 ang nalalabi upang maitala ang kanyang ika-6 na 40-point outing ngayong postseason at bigyan ang  Cavaliers ng 109-95 bentahe.

“I put the work in day in and day out on my body, working on my game every day to try to put myself in the best condition I can be in the postseason,” ani James.

“My teammates, my coaching staff allow me to go out and do the things to try to help us win and trust me.

“And besides the seven turnovers tonight, I think I earned their trust a little bit more.”

Comments are closed.