CAVS DUMIKIT SA PLAYOFFS

ISINALPAK ni Isaac Okoro ang last-second three-pointer at nakumpleto ng Cleveland Cavaliers ang late rally upang pataubin ang Brooklyn Nets nitong Huwebes.

Ipinasok ni Okoro ang corner three, may 0.7 segundo ang nalalabi, upang bitbitin ang Cleveland sa 116-114 panalo sa Barclays Center sa Brooklyn.

Sinelyuhan nito ang mainit na paghahabol ng Cleveland, na nalamangan ng 8 puntos, mahigit dalawang minuto ang nalalabi sa fourth quarter.

Ang panalo ay naglapit sa Cleveland sa pagkopo ng kanilang playoff place. Ang Cavs ay fourth ngayon sa Eastern Conference na may 47-28 record.

“It means a lot man — we battled back in that game, we were down but we kept fighting,” wika ni Okoro matapos ang laro. “We could have played a lot better — but a W’s a W in our book so it don’t matter.”

Samantala, nasibak ang Brooklyn (39-34) sa automatic playoff places matapos ang limang sunod na talo at ngayon ay nakatutok sa potential spot aa play-in tournament.

Makakaharap ng Brooklyn ang playoff-chasing Miami ngayong weekend.

Sa iba pang laro, nalasap ng fifth-placed New York Knicks ang ikatlong sunod na kabiguan sa 111-106 reverse sa Orlando Magic sa Florida.

Napanatiling buhay ng Orlando, 13th sa Eastern Conference na may 31-43 record, ang kanilang postseason hopes makaraang makakuha ng 21 points kay rookie star Paolo Banchero.

Nanguna sina Immanuel Quickley at Quentin Grimes para sa Knicks na may tig-25 points, habang nagdagdag siJulius Randle ng 23.