BATAY sa natutunang matindi at mahahalagang mga aral mula sa umiiral na pandemyang Covid-19, pinagtibay ng House Committee on Health ang House Bill 6096 na naglalayong magtatag ng Center for Disease Control and Prevention (CDCP) sa ilalim ng Department of Health (DOH), na may higit na malawak na kapangyarihan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga alituntunin sa ‘surveillance, disease control and prevention’ ng nakahahawang mga sakit.
Akda at inihain sa Kamara ni House Ways and Means Committee chairman at Albay Rep. Joey Sarte Salceda noon pang Enero 2020, dahil sa inaasahang malagim na pagkalat ng pandemya, umabot sa 167 ang mga mambabatas na naging ‘co-author’ ng panukala na ang ilan ay naghain din ng katulad nito batay sa orihinal na konsepto ng biglaang paglitaw ng ‘health emergencies’ at pagkakaroon ng “higit na kahandaan at pagtugon” sa ganitong pangkalusugang problema ng bansa.
Sinabi mismo ni Pangulong Duterte sa huling SONA niya na prayoridad ang naturang panukalang ahensiya at ipinau-ubaya niya sa Kongreso ang paglikha nito. Kamakailan, ipinahayag din ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na dapat itong maisa-batas ngayong taon.
Ayon kay Duterte, sadyang kailangan ang panukalang ahensiya para maging handa sa pandemya, maprotektahan ang buhay at patuloy na sumulong ang bansa kahit sa gitna ng matitinding suliranin.
Ayon naman kay Salceda, titiyakin ng CDCP ang akmang mga hakbang laban sa ganitong mga suliranin na hindi naba-bara ng masalimuot na mga proseso gaya ng nangyayari ngayon. Kapag naitatag ang CDCP, isasailalim ito sa pag-subaybay ng Health Emergency Coordinating Council (HECC) kung saan chairman ang DOH Secretary.
“May mga krisis pangkalusugan na mabilis dumami ang mga kaso, kaya mahalaga ang mabisang ugnayan sa pagsugpo nito, kasama ang mga tagapag-patupad ng batas, taga-pamahala ng mga komunidad, at marami pang iba. Malinaw na hindi lamang doktor ang kailangan kundi buong pagtutulungan ng lahat tungo sa pangkalusugang kahandaan at pag-tugon sa mga isyu nito,” paliwanag ni Salceda.
“Ang mga biglaang problema gaya ng pandemya ay maaaring magmula kahit saan at mangyari anumang oras, na hindi natin matiyak kung kailan, kaya kailangang maging handa lagi, katulad sa matagalang paghahanda at pagsasanay para sa Olympics.
Sa talakayan ng Health Committee, hinimok ito ni Salceda na panatilihing nakatuon sa paglaban sa mga nakakahawang sakit ang mandato ng CDCP, kasama na ang mga hindi pa halatado ngunit maaaring magkalat ng sakit, dahil paraan ito upang mapigil ang hawaan. Dapat din diumanong huwag nang saklawin ang mga hindi nakakahawang sakit dahil kung kasama pa ang mga iyon, tiyak na hindi ito magiging mabisa gaya ng nangyayari ngayon kaya nga itinatatag ang CDCP.
“Ang tagumpay ng Vietnam laban sa COVID-19 ay batay sa kaisipang ito kung saan maagap na naihiwalay ang ilang tiyak na nahawaan na at nilimitahan ang pagkilos ng mga posibleng taglay na ang virus ng sakit,” puna niya.
596274 411584my grandmother is always into herbal stuffs and she always say that ayurvedic medicines are the most effective stuff 418114
392538 492029Thanks for the excellent post against your blog, it genuinely provides me with a look about this subject.??;~.?? 355179