CEBU NABULABOG SA DRUG OPS, P36-M SHABU NASAMSAM

drug ops

AABOT sa P36 milyon na halaga ng shabu ang nakumpisa ng Cebu City Police Office sa buy bust operation sa Urgello St. Brgy. Sambag 2 lungsod ng Cebu.

Ayon sa Cebu PNP, kinilala ang apat na subject sa ikinasang counter illegal drug operation na sina Michael Carabaña, alyas Mike, 28, Arnold Arquiza, Jemuel Enrile at Agustin Quijano.

Isang police asset ang bumili ng P12,000 halaga ng shabu kay Michael at nang magpositibo ang transaksiyon at suriin ang bag nito, naki­ta ng mga pulis ang tatlo pang kilo ng umano’y shabu.

Ayon kay Sr. Supt. Royina Garma, director ng Cebu City Police Office, galing Maynila ang mga nakuhang droga, batay na rin sa salaysay ng mga suspek.

“High grade ito, meaning well-processed. I-verify pa natin paano umabot dito,” aniya.

Dagdag ng pulisya, modus ng grupo ang umupa ng bahay upang gawing bentahan ng shabu.  VERLIN RUIZ

Comments are closed.