CELTICS BALIK SA PORMA

BALIK ang Boston Celtics sa winning ways matapos ang 119-116 pagbasura sa Milwaukee Bucks sa kanilang top-of-the-table NBA Eastern Conference clash nitong Miyerkoles.

Pinutol ng Celtics ang six-game winning streak noong Lunes makaraang masilat ng lowly ranked Charlotte Hornets.

Subalit siniguro ng Boston na hindi na ito mauulit laban kay Giannis Antetokounmpo at sa bisitang Bucks.

Nakontrol ng Celtics ang first quarter upang kunin ang wire-to-wire win.

Kumarera ang Celtics sa maagang 10-0 kalamangan, at bagama’t humabol ang  Bucks sa fourth quarter upang makalapit sa single digits, nag-regroup ang Boston at kinuha ang panalo.

Umiskor si Boston’s Jaylen Brown ng 26 points habang nag-ambag si Jayson Tatum ng 23 points, 11 rebounds at 4 assists.

Nagdagdag si Kristaps Porzingis ng 21 points para sa Boston na napangalagaan ang kanilang unbeaten home record upang umangat sa 12-3.

“Just a team effort. We bounced back and regrouped from the last game,” sabi ni Tatum sa ESPN matapos ang panalo.

“Sometimes you need to lose a game to regroup and regain focus. I love the way we started the game. They made a run late, they’re a good team — but I liked the way way we responded in the fourth quarter.”

Sa iba pang laro, pinataob ng Dallas Mavericks si  LeBron James at ang Los Angeles Lakers, 104-101; napatalsik sa laro si  Golden State’s Chris Paul laban sa kanyang dating koponan na Suns, na na naitakas ang 123-115 panalo; at ginapi ng Orlando Magic ang reigning NBA champion Denver Nuggets, 124-119.