CELTICS ‘DI NAKAPORMA SA KINGS

kings vs celtics

NAGBUHOS si De’Aaron Fox  ng 26 puntos at 11 assists, habang isinalpak ni Buddy Hield ang dalawang  free throws sa huling 0.6 segundo ng laro  para igiya ang Sacramento Kings sa 116-111 panalo kontra Boston Celtics noong Miyerkoles ng gabi (Huwebes ng umaga sa Manila).

Nag-ambag si Hield ng 15 puntos at 11 rebounds habang si Tyrese Jaliburton ay may 21 puntos.

Naglagay naman si Jayson Tatum ng 27 puntos, 16 assists at 9 rebounds para sa  Celtics, habang gunawa si Jaylen Brown ng 21 puntos.

Hindi nagawang makaporma ng Celtics matapos na maglaro nang wala ang kanilang tatlong key players na nasa injury list.

SPURS 111,

TIMBERWOLVES 108

Tumipa si DeMar DeRozan ng kabuuang 30 puntos upang pangunahan ang panalo ng San Antonio Spurs kontra Minnesota. 111-108.

Nag-ambag ng  19 puntos si Jakob Poeltl  habang si Dejounte Murray  ay may ibinigay na 15 puntos na may kasamang 11 rebounds.

Sina Malik Beasley at D’Angelo Russel naman ay may  29 at 20 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa Minne-sota na naungusan ng Sours sa 32-18 field goal sa huling yugto ng labanan.

PELICANS  123,

SUNS 101

Selyado ng one-handed alley-hoop  ni Zion Williamson ang panalo ng New Orleans Pelicans kontra Phoenix Suns, 123-101.

Kumana ng kabuuang 28 puntos si Williamson para sa Pelicans samantalang kumamada sina Brandon Ingram ng 23 puntos at Lonzo Ball ng 18 puntos.

Si StevenAdams naman ay nagbigay ng 11 puntos at kumalawit ng 13 rebounds para sa  panalo ng Pelicans.

Tumirada Si Devin Booker ng 25 puntos ngunit hindi naging sapat upang isalba ang Suns sa kabiguan.

Sa iba pang laro ay binigo ng 76ers ang Hornets, 118-111; ginapi ng Bucks ang Pacers, 130110; dinispatsa ng Mavericks ang Hawks, 112-116; namayani ang Clippers sa Cavaliers, 121-99; pinalamig ng Wizards ang Heat, 103-100 at pinabagsak ng Thunder ang Rockets, 104-87.

Comments are closed.