CELTICS ‘DI PINAPORMA ANG GRIZZLIES

NAGPAULAN ang Boston Celtics ng tres nang pataubin ang Memphis Grizzlies, 119-109, nitong Linggo.

Nagsalpak ang Celtics ng 21 three-pointers at na-outrebound ang Grizzlies, 54-34, tungo sa ika-4 na sunod na panalo.

Tahimik ang gabi ni forward Jayson Tatum na may 16 points sa 3-of-16 shooting.

Subalit walong Celtics players ang umiskor ng double figures at muling nalusutan ng Boston ang pagliban ni Jaylen Brown, na na-sideline dahil sa facial fracture matapos ang in-game collision kay Tatum.

Sinabi ni Brown bago ang laro na mas maganda na ang kanyang pakiramdam at “taking it day by day.”

“I’m just letting the swelling go down, letting the pain subside, and then I’ll kind of go from there.”

Hindi rin naglaro si Marcus Smart sa ika-10 sunod na pagkakataon, at na-sideline si Malcolm Brogdon dahil sa sore Achilles tendon.

Pinunan ni Derrick White ang butas at pinangunahan ang Celtics na may 23 points.

Raptors 119, Pistons 118

Sa Toronto, humataw si Fred VanVleet ng 35 points upang pangunahan ang host Raptors sa panalo kontra Detroit Pistons.

Nagdagdag si Pascal Siakam ng 22 sa kanyang 28 points sa second half para sa Raptors, na itinarak ang maagang kalamangan.

Lumamang ang Toronto ng hanggang 14 points bago ang 13-5 scoring run ng Detroit sa huling 1:21.

Umiskor si Bojan Bogdanovic ng 33 points at nagdagdag si Alec Burks ng 21 mula ss bench, ngunit nabigo ang Pistons na masundan ang kanilang double-overtime victory kontra San Antonio Spurs noong Biyernes.