CELTICS NAISAHAN NG KNICKS

celtics2

UMISKOR si Julius Randle ng New York ng 37 points upang pangunahan ang Knicks sa 120-117 overtime win kontra NBA-leading Celtics, na nalasap ang ikatlong sunod na kabiguan nitong Huwebes, sa Boston.

Nagdagdag si Randle ng 9 rebounds at tumipa si Jalen Brunson ng 29 points na may 4 rebounds, 7 assists at isang crucial block habang paubos ang oras.

Ipinagdiwang ni Jayson Tatum ng Boston ang pagkakapili sa kanya bilang All-Star starter na may 35 points at 14 rebounds. Kumubra si Jaylen Brown ng 22 points at 9 rebounds.

Subalit ang star duo ng Boston ay gumawa rin ng pinagsamang anim na key turnovers, at nagmintis si Brown sa dalawang free throws, may 7.6 segundo ang nalalabi.

Samantala, isinalpak ni Randle ang pares ng clutch free throws, may 21.2 segundo ang nalalabi at nagdagdag si RJ Barrett ng dalawa pang foul shots bago napigilan ni Brunson ang potential game-tying three-pointer ni Malcolm Brogdon habang paubos ang oras sa overtime.

“We’ve been in these games before,” wika ni Randle matapos masayang ng Knicks ang late 12-point lead ngunit naging matatag para sa kanilang unang panalo sa Boston magmula noong Enero ng 2021.

“All year we’ve been in up and down games. We’ve lost those games at the end, we’ve won them at the end, so there’s a sense of being comfortable in those positions and knowing how to execute whether you’re up or down.”

Umiskor si Tatum ng 11 points sa fourth quarter, subalit nagmintis siya sa potential game-winner at nang makuha ni teammate Robert Williams ang rebound, nasupalpal ni Boston’s Jericho Sims ang kanyang put-back attempt.

Pistons 130, Nets 122

Ginulantang ng Detroit Pistons, may-ari ng worst record sa Eastern Conference, ang Brooklyn, kung saan hindi sapat ang 40 points ni Kyrie Irving para sa Nets sa pagkatalo.

Kumabig si Saddiq Bey ng 25 points upang pangunahan ang walong Pistons players sa double figures — sa kabila ng pagliban nina star guard Cade Cunningham, backup point guard Cory Joseph at center Marvin Bagley.

Tumipa si Alec Burks ng 20 points para sa Pistons, na pinutol ang four-game losing streak at nakabawi sila mula sa embarrassing loss sa Milwaukee noong Lunes kung saan nagbigay sila ng 150 points.

Sinamantala ng Pistons ang kanilang size advantage laban sa short-handed Nets, na muling naglaro na wala si star Kevin Durant at maagang lumabas si Ben Simmons dahil sa sore left knee.

Hornets 111, Bulls 96

Sa Charlotte, ipinagdiwang ng Hornets ang pagbabalik ni LaMelo Ball mula sa three-game injury absence sa 111-96 come-from-behind victory kontra Chicago Bulls.

Nagbuhos si Terry Rozier ng 28 points, nag-ambag si Mason Plumlee ng 21 at 12 rebounds at nagdagdag si Ball ng 15 points, 11 rebounds at 8 assists.

Nanguna si DeMar DeRozan para sa Chicago na may 28 points subalit pinatahimik ng Charlotte, naghabol sa 55-47 sa halftime, ang Bulls sa huling bahagi ng laro.

Nalimitahan ng Hornets ang Bulls sa 17 points sa 21.7% shooting sa fourth quarter.