NAGBUHOS si Jaylen Brown ng 23 points na may 8 rebounds at nagdagdag si Marcus Morris ng 21 at 10 nang gulantangin ng Boston Celtics ang LeBron James-led Cleveland Cavaliers, 108-83, sa Game 1 ng Eastern Conference finals kahapon.
Tumapos si Al Horford na may 20 points at 6 assists at gumawa si Jayson Tatum ng 16 para sa kulang sa taong Celtics, na umabante sa East finals na wala sina injured stars Kyrie Irving at Gordon Hayward.
“I just try to lead ‘em the best way that I can and really lead by example,” wika ni Horford patungkol sa batang lineup ng Celtics. “We’re just out here playing hard and having fun.”
Tumipa si James ng 15 points, 9 assists at 7 rebounds at naputol ang five-game playoff winning streak ng Cavaliers. Nanguna si Kevin Love para sa Cavs na may 17 points at humugot ng 8 rebounds. Nag-ambag si Rodney Hood ng 11 points at umiskor si Jordan Clarkson ng 10.
Nakatakda ang Game 2 sa Martes ng gabi sa Boston.
Winalis ng Cleveland ang Toronto Raptors habang pinataob ng Boston ang Philadelphia 76ers sa limang laro upang isaayos ang rematch ng East fi-nals noong nakaraang taon. Sinibak ni James at ng Cavaliers ang Celtics sa five-game series noong nakaraang Mayo.
Si James ay sumalang sa pitong sunod na NBA Finals series, kabilang ang tatlong sunod sa Cleveland. Target ng Boston ang unang Finals berth magmula noong 2010, nang matalo ito sa pitong laro sa Los Angeles Lakers.
Bumuslo ang Boston ng 51.2 percent (43 of 84) mula sa field at 36.7 percent (11 of 30) mula sa 3-point range habang na-outerbound ang bisita, 48-40. Nalimitahan ang Cleveland sa 36 percent (31 of 86) mula sa floor.
Comments are closed.