UMISKOR si rookie guard Payton Pritchard ng isang put-back, may two-tenths ng isang segundo ang nalalabi, upang ihatid ang Boston Celtics sa 107-105 panalo laban sa host Miami Heat noong Miyerkoles ng gabi.
Ang 6-foot-2 na si Pritchard ay nag-follow up sa mintis na drive ni Marcus Smart.
Bumanat ang Boston ng 13-0 run sa huling bahagi ng fourth quarter upang palobohin ang three-point deficit sa 10-point lead. Subalit nakarekober ang Miami sa pamamagitan ng isang 3-pointer ni Duncan Robinson, may 1:09 ang nalalabi, at pagkatapos ay kumana ng four-point play pagkalipas ng 30 segundo upang tapyasin ang deficit ng Heat sa 105-102.
Naitabla ni Goran Dragic ng Miami ang iskor sa pamamagitan ng 3-pointer, may 13 segundo ang nalalabi, na sinundan ng dramatic play ni Pritchard na tumapos na may 6 points.
Nanguna si Jayson Tatum para sa Boston na may game-high 27 points. Nagdagdag si Jaylen Brown ng 21 points para sa Celtics, na sinibak ng Heat sa Eastern Conference finals noong nakaraang season.
Tumirada si Jimmy Butler ng season-high 26 points upang pangunahan ang Heat.
Gumawa si Robinson ng 16 points, at nagdagdag si Bam Adebayo ng 15 points, 10 assists at 8 rebounds.
CLIPPERS 108,
WARRIORS 101
Nagsanib-puwersa sina Patrick Beverley at Nicolas Batum para sa tatlong sunod na 3-pointers sa late run na naghatid sa bisitang Los Angeles Clippers sa panalo kontra Golden State Warriors.
Ang Pacific Division rivals ay muling maghaharap sa Biyernes ng gabi sa home floor ng Warriors.
Umiskor sina Kawhi Leonard at Paul George ng tig-21 points para sa Clippers, na naglaro ng back-to-back matapos ang 116-113 home loss sa San Antonio noong Martes.
Nagbida sina Andrew Wiggins at Eric Paschall para sa Golden State na may tig-19 points.
KINGS 128,
BULLS 124
Nagbuhos si Richaun Holmes ng 24 points at nagdagdag si Marvin Bagley III ng 21 nang putulin ng Sacramento Kings ang three-game losing streak sa pamamagitan ng 128-114 panalo kontta Chicago Bulls.
Nag-ambag si Harrison Barnes ng 20 para sa Kings, na natalo sa lahat ng tatlong laro sa katatapos lamang na road trip.
Kumamada si Coby White ng career high 36 points para sa Bulls at nagdagdag si Zach LaVine ng 32. Ang Chicago ay naglaro sa ikalawang sunod na gabi makaraang magwagi sa Portland noong Martes.
SUNS 123,
RAPTORS 115
Naitala ni Devin Booker ang 15 sa kanyang 24 points sa third quarter at ginapi ng Phoenix Suns ang bisitang Toronto Raptors.
Nagdagdag si Jae Crowder ng 21 points para sa Suns, na nanalo ng anim sa walong laro sa pagsisimula ng season.
Humataw si Pascal Siakam ng season-best 32 points para sa Raptors, na natalo ng anim sa unang pitong laro.
Sa iba pang laro ay naungusan ng Thunder ang Pelicans, 111-110.
Comments are closed.