NAGPASABOG si Jayson Tatum ng 39 points at lumayo ang Boston Celtics sa Los Angeles Clippers sa ikalawang over-time upang maitakas ang 141-133 panalo noong Huwebes ng gabi.
Nagdagdag si Marcus Smart ng 31 points at tumapos si Gordon Hayward na may 21 points at 13 rebounds. Gumawa si Kemba Walker ng 19 points at 9 rebounds habang nagtala sina Tatum at Smart ng pinagsamang 16 sa 27 points ng Boston sa overtime periods.
Nanalo ang Celtics ng pitong sunod sa home at ika-8 sa kanilang huling siyam sa kabuuan.
Naglaro ang Clippers sa malaking bahagi ng game na wala si Paul George, na umalis sa second quarter dahil sa left ham-string strain. Nanguna si Lou Williams para sa Los Angeles na may 35 points, habang nag-ambag si Kawhi Leonard ng 28 points at 11 rebounds, at tumapos si Montrezl Harrell na may 24 points at 13 rebounds.
Naglaro si George ng 15 minuto at umiskor ng apat na puntos sa 2-of-7 shooting bago nagtungo sa locker room.
THUNDER 123, PELICANS 118
Nagbuhos si Danilo Gallinari ng 29 points at nagdagdag si Chris Paul ng 14 points at 12 assists upang pangunahan ang Oklahoma City laban sa New Orleans.
Tumipa si Zion Williamson ng 32 points para sa New Orleans, ang kanyang ikalawang sunod na laro na gumawa siya ng mahigit sa 30, subalit ang clutch shooting ni Gallinari – umiskor siya ng 11 points sa fourth quarter — ang nagpalayo sa Pelicans.
Nag-rally ang New Orleans, naghabol ng hanggang 13 points sa third quarter, sa likod ng dominant inside play ni Williamson upang kunin ang ilang slim leads sa loob ng huling anim na minuto.
Subalit makaraang ibigay ng corner 3 ni Lonzo Ball ang 111-110 kalamangan ng Pelicans, naisalpak ni Gallinari ang isang fall-away sa paint at sinundan ng isang tres.
Tumipa si Dennis Schroder ng 22 points para sa Thunder at nagdagdag si Shai Gilgeous-Alexander ng 17 points.
Kumamada si JJ Redick ng 24 points para sa Pelicans, na naputol ang three-game winning streak.
Samantala, pinangungunahan ni Greek forward Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ang record-setting contingent ng walong international players na lalahok sa NBA All-Star Game sa Chicago sa Linggo.
Ang reigning NBA Most Valuable Player ay sasamahan nina Dallas point guard Luka Doncic (Slovenia), Philadelphia centre Joel Embiid (Cameroon) at Toronto power forward Pascal Siakam (Cameroon) bilang record four international play-ers na binoto bilang starters sa laro.
Ang iba pang international players na maglalaro sa exhibition ay sina Rudy Gobert (France), Nikola Jokic (Serbia), Domantas Sabonis (Lithuania) at Ben Simmons (Australia).
Sa kabuuan, ang Feb. 14-16 All-Star Weekend, na kabibilangan ng rising stars event, skills challenge, three-point competition at slam dunk contest, ay tatampukan ng record 19 international players mula sa 15 bansa.