UMISKOR si Joel Embiid ng siyam na sunod na puntos sa huling 1:22 at tumapos na may 41 points at 10 rebounds upang tulungan ang Philadelphia 76ers na dispatsahin ang host Boston Celtics, 108-103, Lunes ng gabi.
Nagdagdag si Seth Curry ng 26 points at 7 assists at kumubra si Tobias Harris ng 25 points at 7 boards para sa 76ers, na pinutol ang kanilang three-game skid.
Nagbuhos si Jaylen Brown ng team-high 30 points para sa Boston, na natalo sa lima sa kanilang huling pitong laro. Nakalikom si Jayson Tatum ng 17 points, 9 boards at 6 assists, at nagdagdag si Enes Freedom ng 15 points at 11 rebounds para sa Celtics.
Warriors 113, Kings 98
Naisalba ni Stephen Curry ang 15 sa kanyang game-high 30 points para sa fourth quarter at nagsalansan si Draymond Green ng 16 points, 11 rebounds at 10 assists nang dispatsahin ng short-handed Golden State outlasted ang mas kulang sa taong Sacramento sa San Francisco.
Sina Andrew Wiggins at Jordan Poole ay nasa health and safety protocols at naglaro ang Warriors na wala pa rin sina Klay Thompson at James Wiseman.
Sumandig ang Golden State sa 29-19 fourth quarter upang itakas ang panalo sa larong naghabol sila sa huling bahagi ng third period.
Tumirada si Tyrese Haliburton ng team-high 24 points para sa Kings, na sumalang na wala ang anim na players — kabilang sina De’Aaron Fox at Davion Mitchell — para sa COVID reasons at Richaun Holmes dahil sa eye injury.
Jazz 112, Hornets 102
Tumipa si Rudy Gobert ng 23 points at kumalawit ng 21 rebounds, gumawa rin si Bojan Bogdanovic ng 23 points at nagpakawala si Donovan Mitchell ng 21 upang tulungan ang Utah na apulahin ang mainit na paghahabol ng Charlotte para sa panalo sa Salt Lake City.
Umabante ang Jazz ng 17 points, may 8 1/2 minuto ang nalalabi — at ng hanggang 22 points sa second quarter — bago nanalasa ang Hornets at kinuha ang kalamangan, may 3:30 ang nalalabi. Gayunman ay naging matatag ang Utah at napigilan ang ikatlong home loss sa apat na gabi.
Sinindihan ni Terry Rozier ang pagbabalik ng Hornets, naitala ang 14 sa kanyang 20 points sa huling 8:10. Umiskor sina Charlotte’s LaMelo Ball at Miles Bridges ng tig-21 points. Humugot din si Bridges ng 11 rebounds at nagbigay si Ball ng 11 assists.
Sa iba pang laro, pinabagsak ng Bulls ang Rockets, 133-118; nadominahan ng Spurs ang Clippers, 116-92; at ginapi ng Thunder ang Grizzlies, 102-99.