MADALING gumawa ng fund raising sa ngayon dahil sa internet, kaya naisipan ni Cesar Montano nag awing fund raising campaign ang kanyang ika-59 kaarawan. Isang online jamming/benefit show ang kanyang ginawa para matulungan ang mga kababayan nating binaha nitong nagdaang bagyo.
Nakalikom siya ng pera thru Gcash, kung saan kasama niya sa nasabing show sina Kath Angeles, Keith Martin, Alvin Anson at Joey Abando. May virtual birthday greetings pa sina Robin Padilla at Pangulong Duterte.
Matagal nanahimik ang aktor nitong pandemya. Nagkaroon siya ng katungkulan sa Department of Tourism pero kinuwestiyon ang kanyang proyektong “Buhay Karinderya” dahil hindi raw dumaan sa public bidding ang malaking budget na inilaan dito. Mismong si PRRD ang nagpayo kay Buboy (palayaw ni Cesar) na magbitiw na lang. Hanggang ngayon ay hinihintay pa ang pinal na resolusyon ng Ombudsman sa kanyang kaso.
E, bakit ko ba nabanggit ang milyones na DOT food project ni Buboy? Marami tayong nababasa sa social media lalo na at pera ang usapin. Matindi rin ang mga bashers ng actor. Sabi nga nila, “Sigurado bang mapupunta sa kawanggawa ang nalikom na pera sa fund raising niya? Kung ang mga anak niya, hindi nabibigyan ng sustento. Hindi rin siya abala siya sa syobis.”
May pumanig naman kay Buboy, “Huwag namang akusahan agad! May mga kaibigan siyang nagbuo ng birthday fund raising, kaya siguradong maibabahagi ang nalikom na pera sa dapat pagbigyan.”
Ang kaso naman niya sa Ombudsman, hintayin na lang natin ang desisyon.
***
SANYA LOPEZ CERTIFIED VIRGIN
TAKOT magkaroon ng boyfirend ang kapuso aktres na si Sanya Lopez. Proud niyang sabihin na NBSB siya, o “no boyfriend since birth.” Naalala niya kung paano siya nagsimula sa syobis kaya pokus muna siya sa kanyang trabaho.
Nakita naman namin paano nagsimula at nagsikap sa pag-aartista at pagmomodelo si Sanya. Suwerteng nabigyan siya ng proyekto ng GMA7, at ngayon, nag-renew siya management contract. Certified kapuso talent na talaga siya.
Handa naman daw siyang magmahal kahit may edad na ang lalaki, basta siya ang itinitibok ng kanyang puso. Si Gabby Concepcion (kasama niya sa First Yaya) at Bong Revilla (Agimat ng Agila) ang mga aktor na pinatutungkulan niya? Alam naman nating malakas ang appeal ng dalawang iyan.
Marespeto raw sa kanya ang dalawang nasabing actor noong ginagawa pa nila ang First Yaya at Agimat ng Agila, pero takot pa raw siyang magka-boyfriend sa ngayon, lalo pa at alam niyang parehong commited na sina Gabby at Bong.
“Kahit po matanda o bata, basta totoong love ninyo ang isa’t isa, oks naman,: aniya. Ang ikinatatakot lang njya ay kapag hindi sila nagkatuluyan ng magiging first boyfriend niya. Kung NBSB si Sanya, virgin pa siya talaga. Love can wait for Sanya kahit pa 24 years old na siya. Malayo pa ang mararating niya sa syobis.
***
RAYMOND G., NUON PA VAKLA NA
WELCOME galore sa ikatlong lahi si Raymond Gutierrez. Okey lang na ngayon lang siya umamin na bading. May panahong nagpaka-macho siya pero hindi natin siya masisisi. Sa guapo niya, ang hirap talaga niyang i-distinguish sa kakambal niyang si Richard Gutierres, pero Nakagawa naman siya ng sarili niyang marka sa hosting. Nauunawaan siya ng marami lalo na ng ate niyang si Ruffa.
Ngayon, Rufingfing hindi na ikaw ang nag-iisang anak na babae ni papa Eddie at mama Annabelle. Ang hihintayin natin ngayon ay kung sino ang ilalantad ni Raymond na boyfriend. Ows! Aamin na ba?
502684 401922This web page is often a walk-through for all of the details it suited you with this and didnt know who to ask. Glimpse here, and youll certainly discover it. 498654
19344 738542I surely did not understand that. Learnt a thing new nowadays! Thanks for that. 657183
255650 203061I see something genuinely interesting about your web internet site so I saved to bookmarks . 231000
PMC free article PMC90075 PubMed 10952585 buy cialis professional