CHA-CHA PLEBISCITE ISASABAY SA 2022 PRESIDENTIAL POLLS

DESIDIDO ang liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na isulong ang pagbabago sa ilang nilalaman ng 1987 Constitution partikular ang tinaguriang ‘economic provisions’ nito sa layunin umanong higit na mapasigla at maging matatag ang ekonomiya ng bansa matapos na mapalugmok ng COVID 19 pandemic.

Ito’y makaraang ilatag ni Speaker Lord Allan Velasco ang ‘time table’ hinggil sa kanilang gagawing pagtalakay para sa naturang ninanais na pag-amyenda sa Saligang Batas.

“I have instructed the House Committee on Constitutional Amendments to open the discussions on amending the restrictive economic provisions of the 1987 Constitution, as stated within Resolution of Both Houses (RBH) 2 that I have authored,” bungad ng lider ng Kamara kung saan sa darating na Miyerkules ay sisimulan ng nabanggit na komite ang pagdinig nito sa Charter Change o Cha-Cha.

Ayon kay Velasco, target ng Lower House na tapusin ang pagdinig sa Cha-Cha sa loob ng taong ito at maitakda ang plebesito o pagkuha ng basbas ng sambayanang Filipino kasabay ng pagdaraos ng 2022 Presidential elections.

“We hope to finish the debates before the end of 2021 and present it to the public for ratification alongside the election of new leaders in the 2022 national elections. Until then, we assure the public that the debates on RBH 2 will be transparent and fair.” Ang pahayag pa niya.

Paliwanag ng Marinduque province lawmaker, ng ihain niya ang RBH 2 noong Hulyo 2019, ang Filipinas ay inaasahang maging isa sa ‘fastest growing economies in Asia’, na base pa sa pagtaya ng World Bank (WB), ang bansa ay makapagtatala ng 6.6 percent GDP growth para sa taong 2020 at 2021.

Subalit wala naman umanong mag-aakala na tatama hindi lamang sa Filipinas, bagkus sa buomg mundo ng pandemya na naging sanhi para bumagsak ang ekonomiya ng lahat ng mga bansa.

Sa ngayon na unti-unti na ring nagbubukas ang economic activities, binigyan-diin ni Velasco na dapat makasabay ang bansa lalo na sa pagkakaroon ng kina-kailangang investments at iba pang economis opportunities.

“We are proposing to amend Sections 2, 3, 7, 10 and 11 of Article XII (National Patrimony and Economy), Section 4 of Article XIV (Education, Science and Technology, Arts, Culture and Sports) and Section 11 of Article XVI (General Provisions) to add the phrase “unless otherwise provided by law.” The addition of this phrase will allow Congress to enact laws to free up the economy to foreign investors, or maintain the status quo.” Sabi pa ni Velasco.

Aniya, ang foreign investment ay mayroong malaking papel sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa dahil bukod sa pagbuhos ng mga kina-kailangang pamumuhunan sa iba’t-ibang sektor ng pagnenegosyo at industriya, ito’y naglilikha rin ng maraming job opportunities para sa mga Filipino.

“The need to attract foreign capital is critical to support our economy’s recovery from COVID-19 pandemic,” pagbibigay-diin ng House Speaker. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.