CHACHA SA KAMARA, SISIMULAN SA SUSUNOD NA LINGGO

KAMARA

TATALAKAYIN na muli sa Kamara ang usapin ng Charter Change.

Ito ay kasunod ng paghahain na rin sa Senado ng resolusyon na humihimok sa Kamara at Senado na mag-convene bilang Constituent Assembly (Con-Ass) para maisulong ang ilang mga limitadong pag-amyenda sa Konstitusyon.

Ayon kay Committee on Constitutional Reform Chairman Alfredo Garbin, nakatakda silang magsagawa ng pagdinig sa Chacha sa Enero 13.

Ang gagawing pagdinig ay salig na rin sa inihain ni Speaker Lord Allan Velasco na Resolution of Both Houses #2 kung saan pinaamyendahan ang probisyon sa Saligang Batas patungkol sa limitasyon ng foreign ownership sa bansa kung saan sakop dito ang pagmamay-ari at pamamahala ng mass media, public utility, educational institutions, investments at capital to foreign investors.

Nakasaad din sa inihain ni Velasco ang pagsisingit sa katagang “unless otherwise provided by law” sa ilang Seksyon tulad ng Article 12 (National Patrimony and Economy), Article 14 (Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports) at Article 16 (General Provisions).

Pagtitiyak naman ni Garbin na sesentro lamang ang usapin sa mga “restrictive” economic provision ng saligang batas. CONDE BATAC

Comments are closed.