QUEZON – DEAD on the spot ang isang barangay chairman matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang ito ay sakay sa kanyang motorsiklo at papauwi ng kanyang bahay sa may bahagi ng Purok 2 Brgy. Mangilag Norte, bayan ng Candelaria.
Kinilala ang biktima na si Ricardo De Chavez 52-anyos, residente ng Purok 1, Brgy. Mangilag.
Base sa report ng Candelaria-PNP dakong alas-5:20 ng hapon habang binabagtas ng kapitan ang barangay road patungo sa kanyang bahay nang biglang sumulpot at harangin ng mga hindi nakilalang mga suspek ang biktima at pinaulanan ng bala.
Nagtamo ito ng maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi nang agad nitong pagkamatay, mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos maisagawa ang pamamaril.
Nakakuha sa pinangyarihan ng krimen ang Quezon Provincial Crime Laboratoty SOCO Team ng 5 basyo ng caliber .45 at 12 basyo ng caliver .9mm, samantala hindi pa matukoy ng mga pulis ang tunay na motibo ng pamamaslang sa biktima. BONG RIVERA
Comments are closed.