IPAPATAW ang suspensiyon o pagsibak sa mga barangay official at mayor na hindi nagtagumpay sa paglilinis sa kanilang nasasakupan.
Ito ang pahayag kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) isang araw bago ang pagtatapos ng 60 araw na ultimatum para sa paglilinis ng mga sagabal sa kalsada o bangketa.
Noong Hulyo ay nagbigay ng ultimatum ang DILG sa mga lokal na pamahalaan para alisin ang lahat ng obstructions kaya maging ang mga nakaharang na presinto ng mga pulis ay dinemolis.
Walang ibibigay na extension ang DILG sa mga alkalde.
Ayon kay DILG Undersecretary Martin Diño, kakasuhan ang mga kapitan habang kapag mga mayor ang hindi nakasunod o nakatupad sa clearing operations ay irerekomenda ang suspensiyon o pagsibak sa mga ito sa Pangulong Duterte.
Ngayong araw ay nakatakdang mag-ikot ang mga opisyal ng DILG sa bawat lungsod para matiyak kung nakasunod sa ultimatum ang mga bayan at lungsod sa Metro Manila. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.