TATALAKAYIN ng chef de mission ng bansa sa nalalapit na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam ang kampanya ng Philippine delegation sa biennial meet na nakatakda sa susunod na buwan.
Magbibigay ng updates si sports commissioner Ramon Fernandez sa kampanya ng mga Pinoy na mapanatili ang SEA Games overall championship sa session na magsisimula sa alas-10 ng umaga.
Ang weekly public sports program ay itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Unilever, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Ang Forum ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at opisyal na isini-share ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.