CAGAYAN – HANDA ang Philippine National Police (PNP) para tumulong sa pamahalaan hinggil sa pagkalat ng novel coronavirus.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Archie Francisco Gamboa, nakahanda ang specialized units ng PNP tulad ng chemical warfare upang tumulong na mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Kabilang sa magiging role ng PNP ang pagdala ng mga pasyenteng tutukuyin ng Department of Health (DOH) na nahawaan ng virus para isailalim sa quarantine.
Dagdag pa ni Gamboa, na bubuo ng dalawa hanggang tatlong team ang PNP sa bawat area sakaling may mahawaan ng nakamamatay na sakit sa bansa.
Kaugnay nito, nagsasagawa na rin ng capability study ang PNP upang hindi makompromiso ang kalusugan at kaligtasan ng mga miyembro ng kapulisan.
Pinag-usapan na rin ang papel ng PNP kung saan kasama sa conference ang Department of the Interior and Local Government (DILG. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.