CHIEF OF POLICE SA MAYOR’S ENTOURAGE SA BAGUIO TRIP ‘DI SISIBAKIN

Debold Sinas

SAN JUAN – LI­LINAWIN ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Archie Gamboa sa Regional Internal Affairs Service kung bakit lima ang security escort ni San Juan City Mayor Francis Zamora gayong dalawa lang dapat ang maximum escort ng isang politiko.

Habang pagpapaliwanagin at hindi sisibakin sa puwesto ang hepe ng San Juan City Police na si Col. Jaime Santos kasunod ng pagsipa sa puwesto ng kaniyang limang tauhan na naging escort ni Zamora nang tumungo ito sa Baguio City.

Ayon kay NCRPO Director Police M/Gen. Debold Sinas, nais nilang malaman ang degree of ­liability ni Santos batay sa umiiral na chain of command.

Igiit ng opisyal, hindi nila kinukunsinti ang anumang paglabag sa health protocol lalo na kung mga pulis officers din ang gumagawa nito.

Samantala, nilinaw ni PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na siya mismo ang nagpaimbestiga sa insidente taliwas sa ilang ulat na kasama siya, gayundin si Santos at ang hepe ng Baguio City na si Col. Allen Rae Co sa inireklamo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sa halip, ayon kay Cascolan na ipinaalam sa kanya ni Magalong ang insidente at ninais niyang maimbestigahan ito.

Humingi naman ng paumahin si Zamora kay Magalong at sa mamamayan ng Baguio City na isang COVID-19 free. EUNICE C.

Comments are closed.