PLANO nang gamitin ng gobyerno ng Brazil ang COVID-19 vaccine na gawa ng China bilang bahagi ng kanilang immunization program.
Sinabi ni São Paulo Governor João Doria na pumayag ang kanilang federal government na bumili ng 46 million doses ng bakuna na Coronavac na ginawa ng Sinovac Biotech Company.
Posibleng simulan ang immunization program sa Enero 2021.
Plano rin ng Brazil na gamitin ang isa pang bakuna na binuo naman ng Oxford University sa England at ng Astrazeneca na isa sa kompanya na gumagawa rin ng medicinal drug.
Ang hakbang na ito ng pamahalaan ng Brazil ay bunga ng patuloy na tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa na ngayon ay aabot na sa 5.3 milyon habang nasa 155,000 na ang namamatay.
Comments are closed.