CHINA NABAHALA SA ULAT NA PAGBANGGA NG US SUBMARINE SA SOUTH CHINA SEA

INIHAYAG ng China na lubha silang nag-aalala sa napaulat na pagbangga ng isang nuclear powered submarine ng United States sa ilalim ng dagat na saklaw ng South China Sea, ayon sa foreign ministry spokesman.

SA kanyang facebook post inihayag ni Wang Wenbin, Foreign Ministry Spokesperson, Deputy director General, Department of Information Ministry of Foreign Affairs ng People’s Republic of China na sila ay nababahala sa sinasabing pagbangga sa hindi pa malamang bagay ng dumaraang US submarine.

“China is gravely concerned of reported collision of a US submarine with an unknown object in the South China Sea. The US should clarify specific location, sailing intention, details of the incident, what the sub hit, whether there’s nuclear leakage and damage on marine environment,’ ayon kay Wenbin sa kanyang post.

Dapat umanong hilingin ang katotohanan sa likod ng insidente at tiyakin na walang iniwang nuclear leak sa ilalim ng dagat na sakop ng Asia- Pacific at hindi Indo-Pacific.

Una nang kinumpirma ng US Navy Pacific Command ang insidente at wala umanong dapat ipag-alala dahil nakabalik naman ang Seawolf-class fast-attack submarine USS Connecticut (SSN 22) sa kanyang base ng sarili lamang nito at hindi nangailangan ng tulong.

Ayon sa inilabas na pahayag ng USPACOM, may tinamaan ang USS Connecticut habang nasa ilalim ito ng dagat noong Oktubre 2, at naglalayag sa international waters sa Indo-Pacific region. “The safety of the crew remains the Navy’s top priority. There are no life-threatening injuries.

Bago ang nasabing insidente ay pinuna rin ng China ang pagsasanib puwersa ng US, Great Britain at Australia na nagsagawa pa ng kanilang pagsasanay gamit ang mga makabagong barkong pandigma.
Sinasabing ang US-Britain-Australia nuclear submarine cooperation ay lilikha ng peligro sa Indo Pacific Region at pakay umano nito na magparating lamang ng mensahe sa China.

Sa nasabing alyansa ng US; UK at Australia ay susuportahan ng dalawang world power ang Australia para magkaroon ng nuclear submarines na maaaring pantapat sa China. VERLIN RUIZ

6 thoughts on “CHINA NABAHALA SA ULAT NA PAGBANGGA NG US SUBMARINE SA SOUTH CHINA SEA”

  1. 575504 313044Its perfect time to make some plans for the future and its time to be pleased. Ive read this post and if I could I wish to suggest you some intriguing things or suggestions. Perhaps you could write next articles referring to this write-up. I want to read even more points about it! 379946

Comments are closed.