NAG-DONATE ang pamahalaang China sa Filipinas ng 496 kilos ng medical supplies at coronavirus nucleic acid diag-nostic kits para magamit sa pakikipaglaban sa COVID-19.
Dumating sa Pair-cargo warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga naturang medical supplies mula sa China at nakapaloob ng dalawang airway bills.
Sakay ang mga ito ng isang chartered flight mula sa nasabing bansa bilang ayuda sa Filipinas para sa pakikipaglaban sa COVID-19 na kasalukuyang kinakaharap ng mamamayan Filipino.
Bukod sa 4,167 kits ng COVID-19 nucleic acid diagnostic kits, kasama pa sa donasyon ang 100,000 surgical masks, 10,000 pirasong N95 mask at 10,000 sets ng Personal Protective Equipment (PPE).
Ang iba sa medical supplies ay ipinamigay sa lahat ng medical workers bilang protection sa mga ito, habang nasa duty.
Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xi Lian, ang medical supply na ito ay pagpapakita at patunayan ng kapatiran ng Filipinas at China. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.