CHINA NAGPASALAMAT SA PINAS SA PAG-RESCUE SA 7 CHINESE CREW

NAGPASALAMAT  ang China sa Pilipinas sa pagsagip ng Philippine Coast Guard sa pitong Chinese crew na napadpad sa karagatan ng Guiuan, Eastern Samar.

Inihayag ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang taos pusong pasasalamat ng kanilang hanay kay PCG Commandant Artemio Abu.

“Our sincere gratitude and deep appreciation to Commandant Abu and PCG for their immediate response and humanitarian efforts to help the Chinese fishing vessel and 7 Chinese fishermen on board,” pahayag ni Huang.

Matapos ma-rescue, dinala ang pitong Chinese sa Tacloban Port.

Kasabay nito, sinabi ni Huang na isang Filipinong mangingisda naman ang na-rescue ng Chinese vessel sa Davao Oriental ng East of Philippine Sea.

Nagkaaberya ang sinasakyang bangka ng Filipinong mangingisda bago na-rescue ng Chinese vessel.

“These moves are in line with and concrete implementation of the important consensus reached by our two Presidents on strengthening communication and improving dialogue mechanisms between our two Coast Guards, properly managing maritime differences through dialogue and consultation while expanding practical cooperation on the sea. These stories are also good testament to the millennium friendship and bayanihan spirit between the Chinese and Filipino peoples,” dagdag ni Huang.