MULING pinalagan ng China ang pagpapadala ng Estados Unidos ng mga naval vessel malapit sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang, dapat nang itigil ng Amerika ang paghahamon nito ng gulo na labag sa soberanya ng tsina upang maiwasan ang mas malaking problema.
Magugunitang nagpadala rin ng mga aircraft at warship ang Chinese Liberation Army upang balaan at paalisin ang mga US naval vessel malapit sa strait of Taiwan.
Ito na sa ngayon ang ikalawang US naval operation na ikinairita ng Tsina sa loob lamang ng isang linggo at ikatlong operasyon ng Amerika ngayong taon. DWIZ882
Comments are closed.