CAVITE – KINIDNAP ng mga hindi kilalang lalaki ang 30-anyos na Chinese sa bahagi ng Pasay City subalit nakapuga naman ito noong Martes ng umaga sa bayan ng Indang.
Sugatang sa ibat ibang bahagi ng katawan nang matagpuan ang biktimang si Gan Zuo Qi, personnel ng tourist agency, tubong Lioming, China at pansamatalang nakatura sa Makati City.
Base sa ulat ni P/Corporal Ronnel Taguibao, alas-9 ng gabi noong Lunes ay dinukot ng limang kalalakihan ang biktima saka dinala sa Cavite.
Napag-alamang nakapagbigay ng P300,000 ang biktima sa mga kidnaper sa pamamagitan ng online bank transfer gamit ang cellphone para makalaya subalit hindi rin pinayagan.
Ayon pa sa police report, pansamantalang tumigil ang van ng mga kidnaper sa bahagi ng Brgy. Mataas na Lupa sa Indang, Cavite, kaya sinamantala ng biktima na buksan ang likurang bahagi ng sinasakyan saka tumakas.
Walang malinaw na ulat ang pulisya sa pagtakas ng biktima na hindi naman hinabol ng mga kidnaper na kaagad na tumakas palayo sa nasabing lugar.
Natagpuan ang biktima sa harap ng bus terminal noong Martes ng umaga kaya dinala sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon. MHAR BASCO
Comments are closed.