MAYNILA – INARESTO ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese dahil sa umano’y illegal recruitment and human trafficking ng mga overseas Filipino worker.
Kinilala ang suspek na si Kai Kai Wang, alyas Jackson Ong na nakakulong kasama ang kanyang sekretarya na si June Rose Taguba De Agtaran.
Limang Pinay naman na nag-a-apply kay Wang ang naisalba.
Una munang nagpanggap na aplikante ng NBI operatives na nagtungo sa tanggapan ni Wang sa Binondo.
Inalok umano ni Wang ang poseur-OFW ng P40,000 bilang suweldo subalit nang tanungin hinggil sa kanilang permit o iba pang papeles mula sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ay walang maipakitang dokumento.
Samantala, iniimbestigahan na rin ng NBI ang status ng iba pang Filipino na dinala umano ni Wang sa China. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.