CHINESE NAISALBA NG CONCERNED CITIZEN

SPD-3

LAS PIÑAS CITY – SUGATANG nakatakas mula sa tatlong ‘di kilalang kalalakihan na dumukot sa kanya ang isang Chinese na na-rescue ng mga concerned citizen ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ng ­Southern Police District (SPD) ang biktima na si Fang Mei Zhu, 50, pansamantalang nanunuluyan sa isang kilalang hotel na ngayon ay kasaluku­yang ginagamot sa Las Piñas District Hospital.

Base sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), na-rescue ng taum­bayan ang biktima dakong alas-3:30 ng hapon ka­makalawa sa panulukan ng Vanda at Concidium Sts., Santos Village 3, Brgy. Zapote.

Nakakuha ng tiyempo ang biktima na makatakas na agad namang nakahingi ng tulong sa mga concerned citizen sa lugar na na-katali ang mga kamay nito ng masking tape samantalang pinaikutan naman ng electrical tape ang kanyang bibig at tinakpan naman ng damit ang kanyang mukha.

Bago pa man tulu­yang makatakas ang mga suspek ay aksidente nilang nabangga ang isang nakaparadang kulay grey na kotse.

Sa follow-up operation ng Las Piñas police ay natukoy ang may-ari ng van na ginamit ng mga suspek na pag-aari ng isang Wil-lie Cheng, ng Tondo, Manila.    MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.