DALAWA katao kabilang ang 35-anyos na Chinese national na nagsasagawa ng surveillance sa posibleng pangingidnap ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa loob ng Clark Freefort Zone sa Mabalacat City, Pampanga nitong Huwebes ng hapon.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Xiong Gang at kasabwat nitong si Nete Joy Gallenero Juanico, 28-anyos.
Ayon sa CIDG Field Unit Angeles at Mabalacat City Police Station, nasamsam sa dalawa ang isang cal.9mm pistol na kargado ng bala at may silencer, isang black airsoft pistol at pares ng handcuffs.
Base sa police report mula kay PNP CIDG Acting Director BGen. Ronald Lee, nakasakay sa Metallic Blue Toyota sedan (DCA 8843) ang mga suspek nang ma-intercept ng Clark Development Corp. Police sa pamumuno ni Field Commander Arvin Bernardo kung saan ang mga ito ay namataan sa harapan ng Clark Hills Village bandang ala-1:30 ng madaling araw na may kahina-hinalang ikinikilos.
Gayunpaman, inatasan ng pulisya ang driver ng SUV na buksan ang bintana nito na kung saan namataan ng security personnel ang pistol grip sa gilid ng driver’s seat kaya pinababa ang dalawa bago isinailalim sa inspeksiyon ang loob kotse.
Agad na inaresto ang mga suspek na hinihinalang gagamitin ang mga nakumpiskang baril sa kidnapping kung saan narekober ang Alien Certificate of Registration (ARC) ID sa pangalan ni Xiong Gang.
MHAR BASCO