CHINESE TUMALON MULA 22ND FLOOR NG CONDO

suicide

TAGUIG CITY – Isang Chinese ang pinaghihinalaang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-22 palapag ng isang condominium building kamakalawa ng gabi sa Bonifacio Global City (BGC).

Hindi na umabot pa ng buhay sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan ang biktima sa Saint Luke’s Medical Center na hindi pa nakikilala hanggang sa kasalukuyan.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na tinatayang nasa 25-30 taong gulang, 5’2”-5’4” ang taas, katamtaman ang pangangatawan, maputi, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, asul na pantalon at ka­yumanggi na sapatos.

Base sa inisyal na ulat na isinumite ng Taguig City Police sa Southern Police District (SPD), natagpuan ang duguang katawan ng biktima dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi sa ikalawang palapag ng Morgan Suites Building na matatagpuan sa Florence Way, Upper Mckinley Hills, Brgy. Pinagsama Village, Taguig City.

Ayon sa nakatalagang guwardiya sa naturang gusali na hindi nakuha ang pangalan, kasalukuyan siyang umiikot sa gusali nang makarinig siya ng isang malakas na kalabog at nang kanyang puntahan ang lugar ay kanyang nakita ang duguang bikti-ma na nakahandusay sa lapag.

Mabilis na hu­mingi ng ayuda ang guwardiya na agad namang rumesponde ang rescue unit ng Taguig na nagdala sa biktima sa nabanggit na ospital kung saan siya ideneklarang dead on arrival (DOA).

Patuloy ang imbestigasyon ng Taguig City police upang malaman ang pagkakakilanlan ng biktima at kung may ‘foul play’ sa naturang insidente. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.