NANINIWALA si Senador Christopher Bong Go na hindi banta sa seguridad ang pagdami ng mga Chinese worker sa mga Philippine Online Gaming Operations (POGO) sa bansa.
Anang senador, ang mahalaga ay may karampatang parusa sa sinumang lalabag sa ilalim ng regulasyon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at naka-monitor ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Immigration (BI).
Idinagdag pa ni Go, hangga’t walang nalalabag na batas, nasa ayos ang lahat at wala nakikitang ilegal sa isyu ay hindi magiging banta ang mga POGO worker sa bansa.
Samantala, kinumpirma ni Go na hanggang ngayon ay suspendido pa rin ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) dahil ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na malugi ang gobyerno kahit piso.
Idinagdag pa nito, marapat lang na ang kontrata ay palaging pabor sa interes ng gobyerno at bawat Filipino.
Kaugnay nito, magkakaroon ng bagong Implementing Rules and Regulation (IRR) na kapag hindi nakabayad ang isang operator ay forfeited ang kontrata dahil mahalaga sa Pangulo ang pera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil dito nanggagaling ang tulong na ipinagkakaloob sa mga nangangailangang Filipino. VICKY CERVALES
Comments are closed.