CAVITE – Nanatili ang Bacolod Master Sardines sa umiinit na playoff race ng 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season makaraang pataubin ang Bicol LCC Stores sa overtime, 76-72, noong Lunes ng gabi sa Imus Sports Complex dito.
Makaraang maitala ni Volcanoes big man Chris Lalata ang unang dalawang puntos sa extra period sa 4:30 mark, hinigpitan ng Bacolod ang kanilang depensa at hindi pinaiskor ang katunggali sa nalabing bahagi ng laro.
Nagsanib-puwersa ang trio nina Pao Javelona, Ben Adamos, at Edgar Charcos para selyuhan ang panalo ng Master Sardines-backed squad.
“That’s what I am trying to make in this team, a defensive team, kasi I am more of a defensive coach. Ngayon ko lang talaga nakuha ‘yung mga player na gusto ko na susunod sa sistema,” wika ni Bacolod coach Vic Ycasiano.
Nagbuhos si Ralph Tansingco ng 15 points at 5 rebounds habang gumawa si Adamos ng 11 markers at 7 boards at umangat ang Master Sardines-backed Bacolod sa 8-15 kartada para sa 11th place sa South division.
Inihatid ni Javelona ang laro sa overtime makaraang kumana ng floater, may 9.3 segundo ang nalalabi sa fourth frame, 70-70, bago nabigong makatira si Bicol star Ronjay Buenafe sa sumunod na play.
Nag-ambag sina Yankee Haruna, Jopher Custodio, at Jess Villahermosa ng tig-10 points para sa Bacolod.
Nanguna si Alwyn Alday para sa LCC Stores-backed Volcanoes na may 23 points, 7 boards, at 7 dimes.
Naputol ang five-game winning streak ng Bicol at nahulog sa 13-12 kartada.
Sa iba pang laro ay sumandal ang Imus-Khaleb Shawarma sa malakas na first half upang putulin ang seven-game skid laban sa Navotas-Uni Pak Sardines, 86-71.
Umangat ang Imus sa 6-20 habang bumagsak ang Navotas sa 6-18.
Iskor:
Bacolod-Masters Sardines (76) – Tansingco 15, Adamos 11, Villahermosa 10, Custodio 10, Haruna 10, Javelona 8, Charcos 7, Saitanan 4, Gayosa 1, Cañada 0, Camacho 0, Reyes 0, Cauilan 0.
Bicol-LCC Stores (72) – Alday 23, Ongteco 12, Lalata 11, Buenafe 9, Garcia 6, Aldave 4, Mondragon 4, Gusi 3, Guerrero 0, Olea 0, Manalang 0.
QS: 21-13, 43-34, 57-53, 70-70, 76-72.
Imus Khaleb Shawarma (86) – Cunanan 20, Nacpil 16, Cantimbuhan 10, Vito 9, Helterbrand 9, Deles 4, Ng Sang 4, Ong 4, Gonzaga 3, Munsayac 3, Arellano 2, Cawaling 2, Lim 0, Morales 0.
Navotas Uni-pak Sardines (71) – Abdurasad 11, Melegrito 10, Gonzales 9, Guillen 8, Evangelista 7, Prudente 4, Mamaclay 4, Matillano 4, Cabahug 4, Escobal 3, Taywan 3, Andaya 2, Bautista 2, Soriano 0.
QS: 29-16, 50-33, 66-49, 86-71.
Comments are closed.