Chooks-to-Go/MPBL IKA-6 NA SUNOD NA PANALO SA ILOILO

Iloilo

Standings:

NORTH

San Juan 20-3

Makati 20-4

Manila 19-4

Pasig 14-8

Bulacan 14-8

Bataan 14-9

Pampanga 14-9

Caloocan 14-10

Pasay 13-10

Valenzuela 9-14

Quezon City 9-15

Parañaque 8-15

Navotas 6-17

Nueva Ecija 5-16

Rizal 4-17

Marikina 4-17

 

SOUTH

Davao 19-3

Bacoor 18-5

GenSan 15-7

Basilan 15-8

Iloilo 15-8

Batangas 13-8

Zamboanga 14-10

Bicol 13-11

Cebu 9-12

Biñan 10-14

Mindoro 8-17

Bacolod 7-15

Muntinlupa 5-18

Imus 5-20

Sarangani 1-22

 

CAVITE – Kumarera ang Iloilo United sa ika-6 na sunod na panalo makaraang malusutan ang pagbabanta ng Rizal Xentro Mall sa fourth quarter, 71-65, sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season kahapon sa Imus Sports Complex dito.

Naghahabol ng isang puntos lamang, may 3:57 ang nalalabi, nagpasabog ang Royals ng game-ending 9-2 blast, tampok ang triple ni Alfrancis Tamsi sa 1:11 mark upang bigyan ang kanyang koponan ng 69-65 kalama­ngan.

Nagbida si Jerson Prado sa pag-atake ng Royals, kung saan naitala niya ang 10 sa kanyang 12 points sa payoff period at kumalawit ng 7 rebounds at nagtala ng 2 rejections.

“Si Jerson, mare-reward talaga siya because of his hardwork eh, nakita ko ‘yung fire niya na kumuha ng bola, kaya namin siya kinuha kasi naniniwala kami sa kakayahan niya,” wika ni Iloilo coach Eric Gonzales.

Nagbuhos si Tamsi ng game-high 16 points, habang tumapos si Richard Escoto na may 10 points. Sa panalo ay tumabla ang Iloilo sa Basilan sa ika-4 na puwesto sa South Division sa 15-8.

Nanguna si Kelvin Gregorio para sa Xentro Mall-backed Golden Coolers na may 15 points sa 6-of-16 shooting habang nag-ambag sina Rommel Saliente at Jordan Rios ng tig-12 puntos.

Nahulog ang Rizal sa 4-17, katabla ang Marikina sa huling puwesto sa North division.

Iskor:

ILOILO (71) – Tamsi 16, Prado 12, Escoto 10, Jeruta 6, Rodriguez 6  Gumaru 6, Publico 4, Parker 4, Arambulo 3, Racho 2, Mahari 2, Li 0, De Joya 0, Pedrosa 0, Pantin 0.

RIZAL-XENTRO MALL (65) – Gregorio 15, Saliente 12, Rios 12, Benitez 7, Lacastesantos 6, Leynes 6, Vidal 5, Casajeros 2, Bacay 0.

QS: 20-11, 40-30, 56-50, 71-65.

Comments are closed.