CHOOKS-TO-GO, MPBL SANIB-PUWERSA

MPBL

SINELYUHAN ng Chooks-to-Go ang long-term partnership sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) kahapon.

Ang kasunduan ay opisyal na inanunsiyo sa EDSA Shangri-La Hotel sa Ortigas Center, Mandaluyong, eksaktong isang linggo bago ang ika-41 kaarawan ni league owner Senator Manny Pacquiao.

“Dahil ang MPBL ang tunay na tahanan ng mga Manok ng Ba­yan, we are committed to sponsor this league for five years,” wika ni Bounty Agro Ventures Inc. (BAVI) President Ronald Mascariñas.

Magmula noong 2016, ang Chooks-to-Go ay sumusuporta sa maraming atleta, sports, at liga sa pagsisikap nitong makatulong sa pagsusulong ng pagkamakaba­yan sa pamamagitan ng sports.

Samantala, itinayo ni Pacquiao ang MPBL upang makapagbigay ng bagong avenue para sa Filipino basketball player na maipakita ang kanilang talento. Mula sa 10 teams sa unang season nito, ang liga ay mayroon na ngayong 31 koponan.

At sa pagpasok ng Chooks-to-Go, nagpapasalamat si Pacquiao na magkaroon ng partner na tutulong sa pagpapalago ng liga.

“This is just the beginning of a strong and long partnership between the MPBL and Chooks-to-Go. We all know that Chooks-to-Go has been helping in sports development. Helping us is their way of helping a very successful business venture for me,” ani Pacquiao.

“As the father of the MPBL, I’m very happy that Chooks-to-Go has recognized the Maharlika Pilipinas Basketball League as a solid league with a bright future ahead of it. It is integral in MPBL’s vision to be the league for every Filipino. And with you, we will be able to help more Filipinos.”

Dumalo rin sa event sina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) director of operations Butch Antonio, International Basketball Federation (FIBA) Legal Commission chairman Aga Francisco, BAVI chairman Tennyson Chen, MPBL governor at Pampanga Congressman Dong Gonzales, Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 league commissioner Eric Altamirano, at dating Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.

Samantala, umaasa si Mascariñas na magagamit ang makinarya ng MPBL para maisulong ang kanyang misyon, at nanawagan sa lahat ng 31 koponan na tulungan din siya.

“It’s not just me and Senator Manny, it’s all of us. We hope that with this partnership, we will not just spread the values taught by basketball. Through winning or losing, we hope that each and every one of us promotes fair play through competition and, of course, love of country,” aniya.

Comments are closed.