CHOPSUEY line. Masama po ba ito? Bawal ba ito gawin?
“Parang ‘di ka sure kapag ginawa mo ba ‘yan, ‘di ba maglalabo-labo ang resulta lalo na ang palo ng manok mo o may pupuna sa’yo na bakit mo ginawa ‘yan, mali ‘yan,” ang sabi ni Bangis Magtanggol ng Bangis Gamefarm sa Baliuag, Bulacan.
Ayon kay Bangis o mas kilala ngayon sa tawag na “Sir M” ng kanyang mga KaBangis, unang-una manok ninyo mas kilala ninyo ‘yung mga manok ninyo kaya ‘wag kayong mag-atubiling gawin ang gusto n’yo sa breeding kasi wala namang karapatan na husgahan kayo ng ibang tao anuman ang gawin ninyo sa mga manok ninyo.
“For me for as long as your objective is to improve your gamefowl breed okay po ‘yan,” ani Bangis.
May mga nagsasabi po kasi talaga na dapat ay cross lang or hanggang triple way cross lang ang breed mo. Hindi raw dapat lumagpas sa tatlong lahi ang nakapaloob sa panlaban mo dahil maloloko mamalo o labo-labo ba ang paa.
“Hindi po ako naniniwala diyan,” aniya.
“Sorry po sa tatamaan pero base sa karanasan ko wala pong masama maglabo-labo ng palo kasi ‘yung style na ‘yun ay puwedeng sa manok mo lamang,” paliwanag pa niya.
Kung ang hanap ay competitive advantage o kalamangan sa sabong, mas maganda umano na all around ang manok mo na kayang gawin ang lahat, parang si Pacman kahit anong anggulo pumapalo.
“Pangalawa, masakit man sabihin pero karamihan po ng manok ngayon ay chopseuy line na. ‘Yung iba na purists masasaktan diyan, tabi-tabi po,” ani Bangis.
“Bakit ko nasabi ‘yan? Kasi hindi naman natin alam ang halo lahat ng manok na hawak natin from their origins eh. Mayroon pa bang buhay pa ngayon na breeder from 400 years ago na huhusga sayo?” tanong niya.
Aniya, halos lahat naman ng kilalang bloodline o linyada sa ngayon ay halos chopsuey din naman.
“Tingnan ninyo ha. ‘Pag nag-mate ka ng Sweater sa Lemon, 2-way cross ba ‘yan talaga o 5-way or 6-way na ‘yun? ‘Yung Sweater daw kasi is 2-way, may 3-way pa nga akong nabasa eh galing sa Kelso at Yellow Legged Hatch. ‘Yung Lemon naman ay galing sa tatlong bloodlines din composed of Hatch-Butcher-Claret blend,” ani Bangis.
Tanong. Nanalo ba ang mga Lemon-Sweater?
“Opo naman ako’y buhay na patotoo diyan. O, eh bakit naman po masama kung nananalo rin naman pala? ‘Di ba dapat chopsuey na ‘yan sa iba dahil 5-way or 6-way na?” tanong pa niya.
Aniya, ganyan din kapag pinagsama natin ang iba pang linyada tulad ng Blacks, Greys, Whites, etc. Halos lahat po ng makukuha natin ngayon na materyales ay multicrosses.
Maski, aniya, sa farm niya, ang RazorBlades, ay 10-way cross kung tutuusin kasi tatlong bloods sa GreyBlade, apat na bloods sa Zombie at tatlong bloods sa Sweater.
“Tanong, nananalo ba? Opo naman wala pa ngang talo po sa ngayon ‘yung unang batch,” ang sabi niya.
“Okay sasabihin ng iba diyan eh pinapuro na kasi ang mga manok na ‘yan like Sweaters and Lemons. Totoo po ‘yan wala pong debate diyan pero malay ba ng KaBangis natin ‘yun buti kung may certification system parang sa aso ang gamefowl wala naman, so paano mo ma-trace?” tanong niya.
“In summary, for as long as you know the fowls you are mating which targets a specific outcome and you did it, wala pong masama sa multi-crosses. Wala pong manghuhusga sa inyo kung tama o mali kayo. Wala naman po kasing perpekto sa sabong, ako nga mali-mali din, eh. Kaya gawin ninyo ang nararapat na sa tingin ninyo ay mag-click at mag-nick dahil ang breeding po ay puro sorpresa,” dagdag niya.
Aniya, sa pamamagitan lamang ng tuloy-tuloy na eksperimento at selective breeding ay makukuha natin ‘yung klase ng manok na gusto natin.
Comments are closed.