CHRISTMAS TREE LIGHTING CEREMONY PINASINAYAAN SA MALACANANG

Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na laging isipin ang mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Ito ang laman ng  mensahe ng Pa­ngulo sa pagpapailaw ng Christmas tree sa Malacañang Palace gabi ng Linggo.

Mahalaga aniya na magtulungan ang bawat isa na siyang kaugalian ng mga Filipino.

Tanging hiling ng Pangulo ay madama ng bawat isa ang diwa ng Kapaskuhan.

Pinangunahan nina Pangulong  Marcos  at Unang Ginang Louise Araneta Marcos ang seremonya ng pag-iilaw ng Christmas tree sa Kalayaan Grounds sa Palasyo.

Nasa pagdiriwang din sina House Speaker Martin Romualdez at ang kanyang asawa na si TINGOG Partylist Congresswoman Yedda Romualdez.

Sa programa, iginawad ng Pangulo ang mga parangal sa nangungunang tatlong  nanalo ng Pambansang Parol-Making Competition na tinawag na ‘Isang Bituin, Isang Mithiin,’ ng Office of the President (OP), Office of the Social Secretary (SoSec). ) at Department of Education (DepEd).

Ang kompetisyon ngayong taon ay nakalap ng 148 Christmas lantern na ginawa ng iba’t ibang pampublikong sekondaryang paaralan. Layunin nitong ipakita ang init ng ‘Paskong Pinoy’ at ang pag-asa sa ‘Bagong Pilipinas.’

Isa pang event highlight ay ang pagtatanghal ng mga kilalang artista sa bansa, kabilang sina Jose Mari Chan, The Alice Reyes Dance Philippines at Ms. Carla Guevara-Laforteza.

EQ