Standings W L
*Creamline 7 1
*Chery Tiggo 6 2
*PetroGazz 5 2
*Cignal 5 3
F2 Logistics 3 4
PLDT 3 5
Choco Mucho 3 5
Akari 3 5
UAI-Army 0 8
*semifinalist
NAKABAWI ang Cignal mula sa shaky first set upang maitarak ang 17-25, 25-22, 25-18, 25-14 panalo kontra Choco Mucho at kunin ang nalalabing semifinals berth sa Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena.
Nakopo ng HD Spikers ang No. 4 ranking sa semis sa third set matapos na magpakawala si Ria Meneses ng quick kill, at nawalan na ng gana ang Flying Titans sa fourth.
Tinapos ang kanilang preliminary round campaign na may 5-3 record, sinamahan ng Cignal ang Creamline, Chery Tiggo at PetroGazz sa single-round semis na magsisimula bukas.
Ito ang ikatlong sunod na semifinals appearance ng HD Spikers – pawang sa ilalim ni coach Shaq delos Santos.
“Very thankful,” wika ni Delos Santos matapos ang two-hour, four-minute contest. “Very proud sa team, especially sa mga players, kasi grabe din yung effort namin. ‘Yung sa preparation namin especially sa game, ibinigay nila yung best nila at nasunod yung game namin.”
Hataw si American Tai Bierria, pumasok sa laro bilang first set substitute, ng 4 blocks upang tumapos na may 18 points na sinamahan ng 11 digs, nag-ambag si Ces Molina ng 13 points at 9 digs, habang bumanat si Roselyn Doria ng match-best five blocks para sa nine-point outing para sa Cignal.
“I think we are all just happy for this moment,” ani Bierria. “It’s a big deal being in the semifinals, you know. A lot of really talented teams did not make it. We were blessed one of them and it just shows how hard we worked. But we are not done, you know what I mean. We want to go and we still have more goals.”
Tinapos ng Choco Mucho ang kanilang kampanya na may 3-5 record, katabla ang PLDT at Akari.
Nagtala si Des Cheng ng 15 points bago lumabas sa third set dahil sa finger injury, habang nag-ambag si Kat Tolentino, na nagkaroon ng knee injury scare sa third bago bumalik sa fourth, ng 9 points para sa Flying Titans.