CIGNAL MALAKAS SA PVL

cignal

BUMAWI ang Cignal HD sa masaklap na kabiguan sa debut match laban sa Chery Tiggo nang pabagsakin ang liyamadong Sta. Lucia, 25-22 25-18, 13-25, 25-20, Miyerkoles ng gabi sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra , Ilocos Norte.

Tinampukan ng matikas na all-around game ni Rose Doria, umarya ang HD Spikers sa unang dalawang set at naisalba ang pagbalikwas ng Lady Realtors sa ikatlong farme para makapasok sa win column ng kauna-unahang professional volleyball league sa bansa.

Tumapos si Doria na may 14 hits, kabilang ang apat na aces, limang atake at limang  blocks para makabawi mula sa three-set na kabiguan sa Crossovers nitong Lunes.

Natamo ng Sta. Lucia, tinatampukan ng star player na si Mica Reyes, ang ikalawang kabiguan sa tatlong laro sa 10-team single round tournament.

“We adjusted quickly. Imagine we only had a day break (after a loss to Chery Tiggo) and then we played again,” pahayag ni coach Shaq delos Santos.

“The good thing is our preparation is paying off and hopefully we continue to improve and maintain our performance.”

Nagwagi naman ang Choco Mucho sa debut match laban sa PLDT Home Fibr, 28-26, 10-25, 27-25, 25-11, na sadsad sa 0-3 marka. EDWIN ROLLON

57 thoughts on “CIGNAL MALAKAS SA PVL”

  1. 686256 786526You developed some decent points there. I looked online for the issue and found most people could go as well as utilizing your internet website. 409329

Comments are closed.