PINAAAPRUBAHAN na ni House Committee Ways and Means Chairman Joey Salceda ang Corporate Income Tax and Incentives Rationalization Act (Citira) bago umabot sa buwan ng Marso.
Ayon kay Salceda, dapat na maipasa na ng Kongreso ang Citira bago mag- Marso upang maramdaman na ang benepisyo nito sa ekonomiya.
Malaki aniya ang papel ng Citira Law para sa pagkamit ng Duterte administration sa “Road to A” strategy o pagtaas sa credit rating ng bansa.
Kapag umabot na sa A ang rating ng bansa mula sa kasalukuyang BBB+ rating na binigay ng Standard and Poor’s noong 2019, mangangahulugan ito ng sustainable financial commitments at balanseng paglago ng ekonomiya.
Sakaling maging ganap na batas ang Citira, tinatayang aabot sa 6.8% hanggang 7% ang economic growth ng Filipinas bunsod na rin ng pagpasok ng maraming dayuhan at lokal na mamumuhunan.
Sa pagdami rin ng investments, posible namang umabot sa P1.25 Trillion ang kikitain sa susunod na sampung taon at aabot naman sa 1.5 million ang mga malilikhang trabaho sa mga Filipino.
Sa ilalim ng Citira o package 2 ng tax reform program ng Duterte administration, layunin nitong bawasan ang corporate income tax ng mga korporasyon o mga negosyo sa 20% mula sa 30% na magiging daan para makahikayat ng mas maraming investors sa bansa. CONDE BATAC
Comments are closed.