KAPAG nagawi ka sa Seaside Macapagal Avenue, isa sa dinudumog na resto rito ay ang Claire dela Fuente Grill and Sea-food na pag-aari ng singer-businesswoman na si Claire dela Fuente. Ang style ng dine-in sa restong ito ay ang usong “paluto” pero ang edge nila ay ang mas masarap sila kumpara sa mga kakumpetensiya kasi ang galing ng cook o chef dito ni Claire. At saka ang specialty nila na seafood ay hilig ng Pinoy maging ng foreigners.
Isa pang resto ang ipinatayo ni Claire ay ang The Noodle Studio na nasa Ayala Malls The 30th located at #30 Meralco Ave., Pasig Metro Manila. Ang katuwang dito ng singer ay ang chef na anak na si Gigo dela Fuente na kumuha pa ng kursong culinary art sa ibang bansa.
Ang Asian dishes naman ang kanilang specialty rito na majority ng menu ay luto ni Chef Gigo, pero ipinagmamalaki rin ni Claire ang sarili niyang menu ng millennial pancit canton na sagana sa ingredients. May bago rin silang food sa resto na dimsum na mula pa rin sa sariling ingredients ni Claire.
COCO MARTIN DINUMOG NG FANS SA AYALA MALLS LEGAZPI AT WAGI ULI SA RATINGS
PAWANG fake news ang ginawang issue ng isang tabloid kay Coco Martin lalo na sa pagkuwestiyon sa ugali ng Kapamilya Primetime and Teleserye King na hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging mabuti at generous nito sa kapwa. Sobrang imbento rin ‘yung tinatawag daw na “My Lord” si Coco sa set ng pinagbibidahan nitong “FPJ’s Ang Probinsyano” na kinikilig pa raw ito? Kung ‘yung bati nga sa kanyang “Idol” ay nahihiya na si Coco, ang tawagin pa kaya siyang “my Lord?”
Saka obyus na may pinanggagalingan ang balita na tila may pasimuno nito para gawing masama ang imahe ni Coco sa publiko. E, sino naman kaya aber ang mapaniniwala nila. Kung ‘yung issue o reklamo ni PNP Chief Oscar Albayalde sa “Ang Probinsyano” ni Coco, na pinasasama raw ang imahe ng hepe ng PNP at kapulisan na fictional lang naman ang ipinakita sa palabas ay dinedma ng televiewers dahil number one show pa rin sa buong bansa ang nasabing action-drama primetime series.
Itong fabricated issue pa kaya ang papansinin nila? Basta ang totoo ay hindi nababawasan ang mga tagahanga ni Coco sa buong mundo. Bilang patunay ay muling dinumog ang actor-director sa ABS-CBN Regional Event ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa parking area ng Ayala Malls Legazpi last Friday kung saan nakasama nito ang kanyang mga co-star sa serye na mag-amang Mark at Lito Lapid, PJ Edrinal, at sina Bassilyo at Smugglaz. Grabe ang napakainit na pagtanggap ng libo-libong Bikolano kay Coco na kinantahan sila ng medley of songs na pinasikat ni Vhong Navarro na Mr. Romantiko, Totoy Bibo (Ang Galing Kong Sumayaw) atbp. May bagong parangal din na tinanggap ang programa bilang “Best Primetime Drama Program” sa Mabini Media Awards. Pagdating naman sa ratings ay always panalo ang FPJAP na last November 19 ayon sa survey ng Kantar Media National TV Ratings.
Abangan din si Coco kasama sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza sa kanilang MMFF entry ngayong taon na “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” na showing na in cinemas nationwide simula sa Disyembre 25.