NAITALA ni John Wilson ang impresibong triple-double para sandigan ang Clarin Sto. Nino sa 98-85 pana-lo Martes ng gabi sa 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Mindanao leg sa Pagadian City Gym-nasium sa Zamboanga del Sur.
Nakabawi naman ang Pagadian sa magkasunod na kabiguan nang pabagsakin ang MisOr, 81-75.
Hataw si Wilson sa kinamadang 19 puntos, 15 rebounds, at 10 assists – unang triple performance na naitala sa kauna-unahang professional league sa Katimugan – sapat para pangunahan ang Sto. Niño sa imakuladang 4-0 karta at solong pangunguna sa nine-team double-round tournament.
Ratsada rin ang pitong katropa ni Wilson sa naitumpok na double digit para sa Clarin na umabante sa 29-11 sa first quarter tungo sa dominanteng panalo.
Kumana si Joseph Eriobu ng 16 puntos at anim na rebounds para sa Clarin Sto. Nino, habang tumipa sina Carlo Lastimosa ng 15 puntos, Pamboy Raymundo ng 13 puntos at 8 assists, habang nagposte si Jayvee Marcelino ng 12 puntos at apat na rebounds.
Nag-ambag sina Joel Lee Yu at Wilson Baltazar ng 15 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Laglag ang Archangels sa 0-5 karta.
Mula sa dikit na 72-70 iskor, bumanat sina Jeric Serrano, Christian Manalo, at Keanu Caballero sa 7-2 run para hilahin ang bentahe ng Explorers sa 79-72, may 1:38 ang nalalabi sa laro.
May tsansa ang MisOr na makatabla matapos ang 5-0 run, tampok ang three-pointer ni Mac Baracael, ngunit gumawa ng magkasunod na turnover sina Joseph Sedurifa at Francis Munsayac sa krusyal na sandali.
Nakalikom si Caballero ng 14 puntos, pitong assists, at apat na rebounds para sandigan ang Explorers sa 4-1 marka. Nanguna si Ronjay Buenafe sa MisOr na may 16 puntos, habang kumana si Baracael ng 14 puntos at 10 rebounds.
Nahulog ang MisOr sa 2-3 karta. EDWIN ROLLON
Iskor:
Pagadian (81) – Manalo 16, Caballero 14, Serrano 11, Benitez 10, Dechos 10, Guinitiran 9, Pamaran 6, Acaylar 3, Sunogan 1, Quimado 1, Quilo 0, Bolotaolo 0, Saludsod 0, Demigaya 0, Bautista 0.
MisOr (75) – Buenafe 15, Baracael 14, Sedurifa 10, Cervantes 10, Munsayac 9, Estrella 6, Cawaling 3, Sanga 3, Salcedo 3, Meca 2, Targada 0, Mendoza 0.
QS: 25-22, 45-40, 60-58, 81-75.
Clarin (98) – Wilson 19, Eriobu 16, Lastimosa 15, Raymundo 13, Marcelino 12, Palattao 7, Hayes 7, Pagente 2, Fuentes 2, De Mesa 2, Mangahas 2, Berdan 1, Pancho 0, Santos 0, Lucernas 0.
Iligan City (65) – Lee Yu 15, Baltazar 13, Marata M. 8, Canon 8, Montecalvo 6, Ballon 6, Ordeniza 3, Dionson 2, Reyes 2, Benitez 2, Ardiente 0, Tagolimot 0, Suarez 0, Pinas 0, Andor 0.
QS: 29-11, 52-28, 73-43, 98-65.
35689 889049Oh my goodness! a wonderful post dude. Thanks Nevertheless My business is experiencing issue with ur rss . Dont know why Not able to sign up for it. Possibly there is any person obtaining identical rss difficulty? Anyone who knows kindly respond. Thnkx 515448