SINABI ni Pampanga Governor Dennis Pineda na handa niyang suportahan ang PBA kung saan isa sa napipisil ng liga na gawin ang bubble set up ang Clark Freeport kapag nagsimula na ang 45th season ng PBA Philippine Cup Conference. Marami namang Kapampangan na players si Gov. Pineda.
Kung pag-uusapan ang facilities at seguridad ng lugar sa Clark ay magiging panatag naman ang mga staff, player at management lalo na pagdating sa protocols ng pandemic. Pagdating naman sa court ay walang problema, gayundin sa mga tutuluyang hotels.
o0o
Congratulations sa bagong kasal na si Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at sa kanyang GF na PBA courtside reporter na si Maria Selina Dagdag. Isang simpleng civil wedding ang naganap noong nakaraang Wednesday, Sept. 8, at mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lamang sumaksi sa kasalan ng dalawa. Dapat noong nakaraang June pa ang Church wedding nila pero dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi ito natuloy.
Ang dalawa ay nagkakilala sa PBA games kung saan si Selina ay nasa pangalawang games pa lang niya sa coverage sa PBA at nagkataon na ang kanyang coverage ay game ng NLEX. Doon nagsimula ang pagmamahalan nilang dalawa ng dating player ng Letran Knights.
o0o
Handa na umano ang kampo ng Phoenix LPG Fuel Masters sa pagbubukas ng PBA sa October 9. Katunayan ay may practice na ang kanilang team. Kasama na nila si Calvin Abueva. Umaasa si coach Alas na makapaglalaro na ang ‘D Beast ng PBA. Dahil nagawa na ni Calvin ang lahat ng pinagagawa sa kanya ng liga. Hindi naman daw sumama ang loob niya na sinuspinde siya ng 15 days ng Phoenix management dahil hindi sinasadyang hinawakan niya ang isa sa players pagkatapos ng bubble training. Kahapon ang katapusan ng suspension kay coach Alas.
Comments are closed.