Claro Mayo Recto Jr makabayang pulitiko

SI Claro Mayo Recto Jr. ay isinilang noong February 8, 1890 at namatay noong October 2, 1960. Siya ay isang Filipino statesman, jurist, manunula at isa sa mga mahuhusay na statesmen sa kanyang henerasyon. Kilala siya sa pagiging makabayan, para sa “the impact of his patriotic convictions on modern political thought.” Naging kaklase niya si Dr. Jose Rizal, Sen. Jose W. Diokno, at Sen. Lorenzo Tañada.

Isinilang si Recto sa Tiáong, Tayabas na ngayon ay Quezon province. Hindi sila mayaman ngunit nakapag-aral naman ang mga magulang. Si Claro Recto, Sr. ang kanyang ama na taga Rosario, Bata­ngas, at ang kanyang ina naman ay si Micaela Mayo na taga-Lipa, Batangas. Nag-aral siya ng Latin at Instituto de Rizal sa Lipa, Batangas, at pagkatapos ay sa Colegio del Sagrado Corazón ng Don Sebastián Virrey at nakatapios ng high school noong 1905 sa edad na 15 anyos dahil na-accelerate siya. Lumipat siya sa Manila para mag-aral sa Ate­neo de Manila ng Bachelor of Arts degree kung saan nakakuha siya ng maxima cum laude (magna cum laude) noong 1909. Nakatapos siya ng Masters of Laws sa University of Santo Tomás, at nakakuha ng Doctor of Laws (Honoris Causa) honorary degree sa Central Philippine University noong 1969.

Pumasok siya sa pulitika bilang legal adviser sa first Philippine Senate noong 1916. Noong 1919, nahalal siyang representative sa ikalawang distrito ng Batangas. Naging minority floor leader siya hanggang 1925. Naglakbay si Recto sa United States bilang miyembro ng Indepen­dence Mission at natanggap sa American Bar noong 1924. Nang umuwi sa Pilipinas, itinatag niya ang Partido Democrata, at noong 1928, nagturo siya ng law. Huminto siya sa pagtuturo noong 1931 at muling pumasok sa pulitika bilang senador. Nahalal siyang majority floor leader noong 1934. Muli siyang napiling Associate Justice ng Supreme Court noong July 3, 1935 hanggang November 1, 1936 ni President Franklin Delano Roosevelt.

Bilang jurist, nakipagdebate siya sa abogado ni U.S. President Dwight D. Eisenhower’s na si Attorney General Herbert Brownell Jr. hinggil sa U.S. ownership ng military bases sa Pilipinas. Hindi ito narersolba sa loob ng 40 taon.

Kilala si Recto na abo­gado milagroso (lawyer of miracles), dahil sa dami ng kasong naipanalo niya.

Mahusay siya sa wikang Kastila at Tagalog, gayundin sa Ingles, at kinilala rin ang husay niya sa pagsulat ng tula sa University of Santo Tomás nang maipalabas ang kanyang librong Bajo los Cocoteros (Under the Coconut Trees, 1911), koleksyon ng kanyang mga tula.

Kinikilala si Recto bilang “finest mind of his generation” na maihahalintulad sa kanyang kaklaseng si Rizal at sa kababayang si Apolinario Mabini.

Dalawang beses nagpakasal si Recto. May apat na anak siya sa kanyang unang asawang si Angeles Silos. May dalawang anak na lalaki rin siya sa ikalawa niyang asawang si Aurora Reyes. Lolo siya si Sen. Ralph Recto na asawa naman ni Star for All Seasons Vilma Santos. – LEANNE SPHERE