GAGAWIN ng Commission on Audit (COA) ang kauna-unahang “Clean, Unmodified Opinion” sa Manila International Airport Authority (MIAA) matapos ang 34-anyos sa kanilang operasyon mula noong taon 1983.
Inihayag ito ni MIAA General Manager Ed Monreal kahapon sa harapan ng kanyang mga tauhan at iba pang opsiyal ng ahensiyang ito sa flag raising ceremony.
Ang sinasabing “Clean, Unmodified Opinion” ay ang pagpepresenta ng kanilang financial statements nang walang labis at walang kulang bilang pagsunod sa financial reporting network ng pamahalaan o auditing procedure o guidelines ng Philippine Financial Reporting Standards (PFRS).
Dagdag pa nito, mayroon tayong sinusunod na tatlong klaseng audit opinions ng COA, ito ay kinabibilangan ng Qualified Opinion, Adverse Opinion at Disclaimer Opinion.
Aniya, mayroong pagkakataon na namimili ang COA ng kanilang isusulong o gagawin na mga opinion dahil sa kakulangan ng kanilang impormasyon habang nagsasagawa ng audit sa isang ahensiya ng pamahalaan, ngunit sa pagkakataon na ito ay sinabi ni Monreal na ibibigay nila ang lahat ng kanilang books of account sa COA.
Matatandaan na sa report ng COA noong taong 2017, mayroong anim na obserbasyon na inilagay sa kanilang report na ipinaliwanag nang magkaroon ng May 2017 exit conference sa MIAA Management.
Isa na rito ang pagkakaroon ng discount ng Philippine Airlines (PAL) sa landing at take-off fees dahil ito ay nakapaloob sa ilalim ng Letter of Instructions no. 498 na inisyu ng pamahalaan noon pang taong 1977.
Ito ang naguutos sa mga board reduction partikular na sa landing at take-off fees sa lahat ng mga aircraft na gumagamit ng domestic air services. Ang Director General ng Civil Aviation ang maaaring magdetermina sa mga babayaran at scheduled ng domestic air carrier sa bansa. FROI MORALLOS
Comments are closed.