(Pagpapatuloy…)
Malalaking benepisyo ang makakamit kung magdadagdag tayo ng mga green spaces sa bawat komunidad at kung maipapatupad ang mga batas kaugnay ng zoning upang mapigilan ang pagtatayo ng mga istruktura sa mga lugar na madalas bahain. Mayroon ding mga tinatawag na permeable materials na maaaring gamitin para sa paggawa ng mga bangketa at kalsada upang ang tubig ay lumubog sa lupa.
Kailangang makahanap ng sapat na pondo upang magawa ito ng iba’t-ibang komunidad.
Maaari rin tayong magsimula sa pamamagitan ng wastong pagtatapon ng basura at pakikilahok sa mga lokal na inisyatibang may kaugnayan sa pagkontrol ng baha. Halimbawa, mga paghahanda sa sakuna (disaster preparedness) at mga emergency response sessions. Ang reforestation ay isa pang aktibidad kung saan ay pwede tayong makibahagi.
Ang pagpapanatili ng ating mga natural na kagubatan ay makakatulong upang ang tubig ulan at baha ay masipsip ng lupa at nang mabawasan ang tinatawag na runoff.
Marami pa tayong magagawa; ito ay ilan lamang na mga ideya.
Sa ngayon, hinihikayat ang lahat na makibahagi sa mga donation drives at mga programa upang makatulong sa mga biktima ng pagbaha kamakailan.
Ang pag-donate ng pera o mga non-cash items sa mga organisasyon, pagtulong sa mga soup kitchens, at pagpapakalat ng impormasyon ay ilan lamang sa mga madaling hakbang na maaari nating gawin agad bilang bahagi ng komunidad. Maaaring makita ang detalye ng mga ito sa internet. Siguraduhin lamang na tayo ay magdo-donate lamang sa mga lehitimong organisasyon na may mabuting track record sa pagtulong sa mga nangangailangan.